Thursday 7 January 2010blogger
Kabanata XXVII – Ang Katotohanan – Unang Parte
“Oras na , dumating na ang oras..” sabi ni Wong. “Wong! Hindi pa tayo tapos.” Sigaw ni Mitoshi habang papalayo. “Master anong dumating na po ang oras?” tanong ni Kyo. Pinaliwanag ni Wong kung ano iyon habang sila ay pauwi sa bahay ni Leo. Bigla namang hinabol sila nila Z para sumabay sa paguwi. “Kuya, mas maganda kung ipaliwanag mo yan pag dating natin sa bahay nila Leo.” Sabi ni Z. “Tama ka nga kapatid ko.” Sabi ni Wong. Makalipas ang ilang minuto natunton nila ang Bahay nila Leo. Sinalubong sila ni Yuna. “Wong! Anong nangyari kay Leo.” Pagtataka ni Yuna. “Mahabang istorya Yuna.” Sabi ni Z. “Pumasok muna kayo sa loob” dugtong ni Yuna. “Leo, gising Leo.” Sabi ni Yuna habang tinatapik ang muka ni Leo. Naupo sila sa upuan at sinimulan ang diskusyon. “Ano ba ang nangyari Wong?” dugtong niya. Huminga ng malalim si Wong at sinimulan ang pagkwento. “Ganito kasi yun Yuna. Laban yun ni Leo, ang nakaharap namin ay ang grupo nila Mitoshi. Hindi namin akalain na ang kalaban ni Leo na si Ralph, ay nilagyan ni Mitoshi ng itim na marka ng Demonyo.Kaya naging mahirap kay Leo ang laban, sapagkat wala siyang kapangyarihan at hindi pa natin nasasabi ang totoo. Sa kalagitnaan ng laban, dehado si Leo. Muli kaming nagulat ng nakita namin ang alaga ni Mitoshi na gumamit ng pinagbabawal na kapangyarihan ang Lex Divi Ra.” Sabi ni Wong at siya’y napahinto. “Isang pinagbabawa na Kapangyarihan! Maaring ikamatay ng anak ko iyon.” Sigaw ni Yuna at biglang tumayo sa pagkakaupo. “Maghinay hinay ka Yuna.” Sabi ni Z. At itinuloy ni Wong ang pagkwento. “At sa pagkakataong ito nagulat kami, dahil nabuhay muli ang marka ng Dragon. Sa ikalawang pagkakataon naman pinagtangkaan ni Ralph na gumamit muli ng Lex Divi Ra, ngunit sa pagkakataong ito ay hinarap na siya ni Leo. Ngunit halos kalahati ng pagkatao ni Leo ay nakain na ng Dragon, kaya hindi ko na napigil ang sarili ko ginawa ko na mismo ang hinabilin ng iyong asawa. Ang kontrolin ang Dragon sa una nitong pagsigaw.” Sabi ni Wong. At biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Yuna. “Wo…wong, oras na para sabihin ang katotohanan.” Sabi ni Yuna.
Ipagpapatuloy…
Sasabihin na kaya ni Wong ang katotohanan? Ano paba ang ibang rebelasyon na ating masasaksihan! Abangan sa susunod na Kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[
07:10]