Thursday, 12 November 2009blogger
Kabanata XIII – Ang pagtutuos – Part III“Dragon Assault!” “Leo ilagan mo!” sigaw ng lahat. Napakabilis ng mga pangyayari, ngunit nagmintis ang unang sapak ni Ralph at naging daan ito sa Dragon Assault ito ni Leo. “Ralph, isa pa!” sigaw ni Mitoshi. Ngunit bawat Segundo ay hindi pinalagpas ni Leo, kaya suntok siya ng suntok habang gamit niya ang Dragon Assault. “Monica, magbantay ka. Maaring madami pang plano si Mitoshi at nariyan lang ang kanyang mga asungot.” Utos ni Z at lumibot na si Monica. “Uhh!” inda ni Ralph sa huling suntok ni Leo. Biglang napatingin si Leo sa isang lalaki, at yun muli ang lalaking may hiwa sa kanang mata. “Siya na naman muli, at masama ang tingin niya sa akin.” Sabi ni Leo at biglang “Leo!” sigaw ni Wong. “Heto na sayo!” sigaw ni Ralph. “UHHHHH!” sakto ang suntok ni Ralph sa sikmura ni Leo habang nakatingin sa lalaki. Nagiwan ng malaking marka sa sikmura ni Leo ang suntok ni Ralph. “Nayari na.” sabi ni Wong. “Leo kaya mo yan!” Sigaw ni Aqua at napatingin si Leo kay Aqua. “Ralph, tapusin mo na yan.” Sabi ni Mitoshi. “Heto naba ang kapangyarihan ng dragon.” Tanong ng lalaking may marka sa kanang mata sa sarili niya. Dali-dalian namang sumugod si Monica kay Z. “Z, ang lalaking may hiwa sa kanang mata ay muling nagpakita.” “Ano kaya ang pakay ng lalaking ito, lagi nalang siya nagpapakita tuwing may laban si Leo.” Sabi ni Z. “Kaya mo paba Leo?” tanong ni Ralph ng may masamang tingin. “Oo naman” hinihingal na sabi ni Leo. “Makakatagal pa kaya si Leo master?” tanong ni Kyo. “Magtiwala tayo.” Sabi ni Wong. “Heto na ako!” muling nagliyab ang mga kamay ni Ralph at sinugod si Leo..
Ipagpapatuloy…
Mukang matatalo na si Leo? Nagkakadayaan na sa labanan at sino nga ba ang lalaking may hiwa sa kanang mata. Abangan sa susunod na kabanat ng Tadhana’t Kamatayan
[
11:07]