Thursday, 29 October 2009blogger
Chapter XX – Panganib – Sino nga ba siya – Part II“Tumatagos na apoy!” Nagulat si Yuna ng narinig niya yun. “Mahal ko!” sigaw ni Yuna. “Uhh!” inda ni Illipia. Isang lalaking nakaputi at nakamaskara rin. Napakabilis niyang kumilos, animoy parang isang hangin pero may apoy siyang kapangyarihan. “Paglamon ng tubig!” Biglang nagkatsunami sa likod ni Illipia. “Hindi!” “Insta Shi To! Baluti ng Latigo” sigaw ni Illipia at napaibabaw siya sa tubig. “Sino ito, bakit ganito ang kapangyarihan niya.” Pagtataka ni Yuna. “Sino ka man papatayin kita! Limang atake ng latigo!” “Baluti ng Bato!” Nasalag ng mga malalaking bato ang atake ni Illipia. “Apat!” sigaw ni Illipia. “Babae, tumakbo kana.” Sabi ng lalaking naka kulay puti. “Kung sino ka man maraming salamat.” Sabi ni Yuna habang papalayo. “Kainis ka! Limang atake ng latigo” “Kamandag ng itim na ahas!”. “Huh” pagtataka muli ni Illipia. Nagpakita nga muli si Kamahas. Nailagan ng lalaking nakaputi ang mga ahas ni Kamahas. “Parehas ng maskara ni Panginoon.” Sabi ni Illipia sa sarili. “Bubwit, umalis kana hindi mo kakayanin to.” Sabi ni Kamahas. “Kung sino kaman, hindi kita pasasalamatan!” sabi ni Illipia habang papalayo. “Magaling magaling, nailigan mo ang aking mga ahas ngunit ito kaya? Pinagbabawal na kapangyarihan ng Ahas! Dugo sa Dugo! Ang pag-atake ng kaluluwa ng kinulong na ahas!” sigaw ni Kamahas at tinusok nya ang pulso niya sa kamay. Tuloy tuloy ang daloy ng dugo niya at biglang humaba ang kanyang mga kuko sa hintuturo at sa gitnang daliri, at biglang nagbalat ahas ang kalahati niyang katawan. “Hetong sayo!” atake ni kamahas. “Otnemom Shin Tai Kwah!” Biglang napahinto sa pag-atake si Kamahas. “Ano ito! Umiikot ang apat na elemento sa kanyang dibdib.” Gulat ni Kamahas. “Hetong sayo!” sigaw ng lalaking nakaputi. BOOOOOM! “UHhh.. Kailangan ko ng maka-alis.” Bulong ni Kamahas. “Illusyon ng ahas!” biglang nagkaroo ng karibal si Kamahas at nagpaputok siya ng usok. “Nasaan na siya?” pagtataka ng lalaking nakaputi. “Magsisimula na ang labanang, Leo at Ralph!” “Leo, pagbutihin mo, sa iyong kamay nakasalalay ang pagkapanalo natin.” Paalala ni Wong.
Ipagpapatuloy..
Madaming rebelasyon na ang nabubunyag! Sino nga ba talaga sila? At nagsimula na ang laban ni Leo. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[
08:07]