Friday, 6 November 2009blogger
Kabanata XXII – Ang pagtutuos – Part II“Magtiwala nalang tayo sa kanya” “Kaya mo paba Leo?” tanong ni Ralph ng may mabangis na tingin kay Leo. “Oo naman.” Sagot ni Leo. Biglang pinuwesto ni Leo ang kanyang paa at kamay. “Dragon Assault!” Nagulat ang lahat ng biglang ginamit ni Leo ang istilong iyon. “Ginawa na niya.” Sabi ni Wong. “Itinuro ni Wong sa bata ang istilong inimbento ng ama niya.” Sabi ni Mitoshi. Animo’y parang hangin ang mga galawa ng paa at kamay ni Leo ng biglang. “Hiyah.” Sigaw ni Leo at sumugod na. Napakabilis ng galaw ni Leo, animo’y sinsayawan niya si Ralph. “Uhh! Ang hirap niyang ilagan. Napakabilis niya!” sabi ni Ralph. Dirediretso ang pagatake ni Leo, sa sobrang bilis niya hindi talaga mailagan ito ni Ralph. “UHh! uHh! Uhh!” inda ni Ralph. “Hindi ko inisip na magiging ganito kabilis si Leo!” manghang sabi ni Wong. “Peste! Ralph tumalon ka sa itaas.” Utos ni Mitoshi. Tumalon agad si Ralph sa itaas ngunit andoon rin si Leo at sinuntok siya pababa! BOOOM! “Kaya mo paba?” tanong ni Leo. “Peste ka. Sayaw ng Demonyo.” Ikinumpas ni Ralph ang kanyang kamay at pumwesto. Nagulat ang lahat sa pag gamit ni Ralph ng kapangyarihang iyon. “Nawawala na, nawawala na ang lakas ko.” Bulong ng lalaking nakaputi sa sarili. “Alam ko magkikita pa kami ni Kamahas.” Dugtong niya. “Patay na! Isang pinagbabawal na kapangyarihan. Z!” sigaw ni Wong. “Kuya, kahit ako hindi ko inisip na gagawin ni Mitoshi ito.” Sabi ni Z. “Magsama kayong magkapatid na BOBO! Basta lahat ay gagawin ko para manalo!” sigaw ni Mitoshi. “Heto na ako!” Sigaw ni Ralph. Nagliliyab ang kamay ni Ralph dahil sa kapangyarihang ginamit niya. At isang suntok niya lang kay Leo ay siguradong mawawasak ang pagmumuka niya. “Anong gagawin ko!” bulong ni Leo sa sarili. “Dragon Assault!”
Ipagpapatuloy..
Nagkakagulo na sila. Napakalakas ng mga pinagbabawal na kapangyarihan ni Ralph. Makaya pa kaya ni Leo ang mga susunod na mangyayari? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[
10:20]