Thursday, 22 October 2009blogger
Chapter XIX – Panganib – Sino nga ba siya – Part ISa templo ni Demoniko. “Jyonu kapatid.” Bati ni Xinz. “Ano iyon kuya?” sabi ni Xinz. “Pumasok ako kanina sa kwarto ni Demoniko. At hubad niya ang kanyang maskara. Halos kamuka mo siya. At mayroon pa eh! Nalimot ko kung ano nakita ko.” Sabi ni Xinz. “Edi ang gwapo niya? Kamuka ko kamo eh” sabi ni Jyonu. “Haha ikaw talaga. Sino ba talaga siya?” Sabi ni Xinz. “Hoy kayong dalawa.” Sigaw ni Yana ng may hawak na itim na bulaklak. “Ano kailangan mo Yana?” tanong ni Xinz. “Nandoon si Illipia naghahasa ng latigo.” Sabi ni Yana. “Ano meron sa latigo? Hinahasa ba iyon? Baka itong mahal kong espada ang kailangan niyang hasain.” Sabi ni Xinz. “Yun nga punto ko!” sabi ni Yana na parang napahiya. “Haha, siya sige maiwan ko na kayo puntahan ko si Illipia.” Sabi ni Xinz. Biglang tinanggal ni Jyonu ang kanyang damit. “Jyonu ano yang marka sa pusod mo?” tanong ni Yana. “Wala yan balat lang yan.” Sabi ni Jyonu. “Hoy peste ka Yana! Wala naman si Illipia dito eh.” Sigaw ni Xinz at nagpalabas ng mga lobong nagliliyab para kagatin si Yana. “BULAGA!” Biglang nagulat si Yuna at napahiga sa lupa. “Hello, Yuna. Kamusta ka!” bati ni Illipia. “Patay. Hindi ko dala ang bulaklak.” Bulong ni Yuna sa kanyang sarili. “Parang may iniisip ka Yuna? Aba! Wala ang bulaklak sa iyong tenga.” Sabi ni Illipia. “Aba teka, ano yang hawak mong bulaklak?” dugtong niya at napahinto siya sa pagsasalita. At sinabi sa sarili. “Parehas ng bulaklak ni Yana! Ngunit iba ang kulay.” Sabi ni Illipia. “Kagandahan ng Bulaklak!” Biglang napalibutan ng mga bulaklak si Illipia. “Peste!” “Limang atake ng latigo!” mabilis na gumalaw ang latigo ni Illipia at nasira ang mga bulaklak. Mabilis tumakbo papalayo si Yuna, dahil hindi niya dala ang bulaklak ng Kayumilah. “Takbo babae, takbo! Huwag kang papahabol sakin gagawin kitang manok!” sigaw ni Illipia. “Pagpaparami!” biglang dumami si Illipia, animoy mayroon siyang isang daang kambal. “Anong gagawin ko” tanong ni Yuna sa Sarili. “Tumatagos na apoy!”
Ipagpapatuloy…
Madaming bagay na ang nabubunyag! Abangan nalang natin ang iba pang rebelasyon sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[
11:15]