<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6621115091721012912\x26blogName\x3dTadhana\x27t+Kamatayan\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ddxstory.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_GB\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ddxstory.blogspot.com/\x26vt\x3d-7034186843995932076', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Friday, 6 November 2009blogger

Kabanata XXI – Ang pagtutuos – Part I

“Magsisimula na ang labanang, Leo at Ralph!”. Umakyat ang dalawang kalahok sa steydyum ng mapayapa at nagsisigawan ang mga manunuod. Halos nahati ang mga manunuod sa dalawa, ang kalahati ay pumapanig sa kupunan nila Leo at kay Ralph naman ang natirang kalahati. “Naghanda kaba Leo? Dahil baka hindi mo kayanin ang mga susunod na kaganapan.” Angas na sabi ni Ralph. “Ang alam ko lang ay may tiwala ako sa sarili kong kakayahan at sa aking maestro.” Sagot ni Leo. “Simulan na!” Sa paghudyat ng anawnser ay nagsigawan ang lahat ng manunuod. Handa ng lumaban si Leo at si Ralph naman ay handa narin. “Sen shin wa.” Sabi ni Ralph. “Heto na ako!” dugtong niya habang papunta kay Leo para atakihin. Iniilagan lahat ni Leo ang sapak ni Ralph, ngunit biglang. “Heto na!” Nagkaroon ng anino ang kanyang pag suntok, ang akala ni Leo ay sasapakin siya sa kanang muka niya pero sa tiyan niya pala. “Uhhh!” inda ni Leo. “Isang kapangyarihan gamit ang anino.” Sabi ni Wong. “Tingnan niyo ang kamay ni Ralph!” sabi ni Aqua. May itim na mahika na bumabalot sa parehas na kamay ni Ralph. “Ralph, gawin mo na.” utos ni Mitoshi. “May binabalak silang masama!” sabi ni Wong. “Leo mag-ingat ka!” dugtong niya. Umatake muli si Ralph, ngunit bawat suntok niya ay nagiiwan ng itim na anino. Isang sinyales ng kapangyarihan ng isang demonyo. “Ano to!” pagtataka ni Leo. “Kapangyarihan ng demonyo to, heto saluhin mo ang suntok ko.” Sigaw ni Ralph. At muli gumamit na naman siya ng kapangyarihan ng anino. Ngunit ngayon ay nasalag ito ni Leo ngunit nagiwan ng malaking pasa sa kanyang braso. “Uhhh!” inda niya. “Marka ng demonyo! Hindi maari ito.” Sabi ni Wong. “Ano iyon master?” tanong ni Kyo. “Ang marka ng demonyo ay isang kapangyarihan kung saan, ang daloy ng dugo sa mga ugat ng isang tao ay may bahid ng itim na kapangyarihan. Kaya siya ay lalong lumalakas.” Sagot ni Wong. “Baka matalo si Leo master.” Sabi ni Drake. “Manalig kayo kay Leo. Magtiwala nalang tayo sa kanya.” Sabi ni Wong.

Ipagpapatuloy..

Mukang dehado si Leo sa laban nila Ralph. Abangan nalang natin ang mga susunod na pangyayari sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[10:19]





That Guy

EDIT MEE. ;]]

Wanted

you wishlist here :D

My Musixx.


Music Playlist
Music Playlist at MixPod.com



ChitChat


Links

Jem =]
Hanaperos
Mobius Games
Chayd's Entry for Mu Blog Making Contest
Add me in Facebook

Credits

Designer:pearlynloves
Background: Photobucket

Archives

By post:
Chapter XX - Ang Panganib - Sino nga ba siya - Par...
Chapter XIX – Panganib – Sino nga ba siya – Part I
Chapter XVIII - Ang Paligsahan - Ang Hangin
Chapter XVII - Ang Paligsahan - Part IV
Chapter XVI - Ang Paligsahan - Part III
Chapter XV - Paligsahan - Misteryo ng Kweba - Part...
Chapter XIV - Paligsahan - Misteryo ng Kweba - Par...
Chapter XIII - Paligsahan - Ang Misteryo ng Kweba ...
XII - Paligsahan - Part II
Chapter XI - Paligsahan Part I


By month:
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
March 2010