Thursday 15 October 2009blogger
Chapter XVIII – Ang Paligsahan – Ang Hangin“Aero, huwag ka papahawak sa kanya. Napakalakas ng kamao ni Rinoa.” Sabi ni Wong. Habang si Drake naman ay ginagamot. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Matagal narin, hindi ko nagamit ang aking mga mata. Matagal ng inukit sa aking tadhana.” Sabi ni Demoniko. “Na ang buhay mo ay dapat sumunod sa yapak ni ama.” Isang boses na narining. “Sino yan?” pagtataka ni Demoniko. “Hindi mo man ako nakikita, alam ko kilala mo ako Demoniko. Sa takdang panahon sisikat muli ang ating angkan, ibabalik ang ginusto ng ating ama.” Dugtong ng misteryosong boses. “Naiintindihan ko.” Sabi ni Demoniko at hinubad ang maskara. “Ang matang ito” ng biglang. “Panginoon!” bati ni Xinz. “Naparito ka Xinz.” Sabi ni Demoniko. “Patawarin nyoko panginoon, mukang na-abala ko kayo. Nais ko lang malaman niyo na nagsimula na ang labanan ng mga estudyante ni Mitoshi at Wong.” Sabi ni Xinz. “Sige, salamat sa balita makakaalis kana.” Sabi ni Demoniko at agad agad umalis si Xinz. Isinuot agad ni Demoniko ang kanyang maskara at umalis sa templo. Sa paligsahan. “Simulan na!” Agresibo si Rinoa at gustong mahawakan si Aero para matapos agad ang laban. Ngunit may napansin si Z. “Onti-onti ng lumalabas ang kapangyarihan ni Aero. Napakabilis niya umilag.” “May tiwala ako sayo Aero!” sigaw ni Wong. “Rinoa, ngayon na! Tumalon kana” utos ni Mitoshi. “Ano kaya ang gagawin niya.” Bulong ni Wong at napabaling kay Mitoshi. Tumalon ng mataas si Rinoa, animoy hindi Makita dahil sa sinag ng araw. Biglang, BOOM! “Rinoa!” sigaw ni Ralph. Nasira ang arena, bumagsak si Rinoa mula sa itaas para malinlang si Aero. “Wala ako Makita!” sabi ni Aero. Walang makita si Aero dahil sa kapal ng usok dulot ng ginawa ni Rinoa. Isang mabilis na atake ang ginaw ani Rinoa, kaliwat kanang suntok at sipa. “Uhh!” inda ni Aero. “Aero magingat ka!” sigaw ni Leo. Ng biglang napalibutan ng hangin ang dalawa. “Ano to!” sigaw ng lahat. “Ang simbolo ng hangin!” sabi ni Wong. “Nabuhay na isa isa ang mga elemento.” Dugtong niya. Tila nabaliktad ata ang mundo, yamado na si Aero. Binabanatan nya na si Rinoa hanggang bumagsak. “Hindi maari!” sigaw ni Mitoshi. “Ang nanalo ay si Aero!” Sigawan ang lahat sa tuwa dahil nanalo na sila, at table na ang skor. Si Leo nalang ang natitirang kalahok at si Ralph. “Magaling Aero!” bati ng lahat. “Mitoshi, wala ka talagang silbi Rinoa! Si Ralph nalang ang huling alas para manalo tayo dito.” Sabi ni Mitoshi. Sa kabilang ibayo. Si Yuna ay naglalakad sa kagubatan para mamitas ng bulaklak ng kagandahan para gawing dekorasyon para sa darating na pista. Ng biglang may kumakaluskos sa damuhan. “BULAGA!”
Ipagpapatuloy…
Sino kaya ang kumausap kay Demoniko? Kaano ano niya ito? May pag-asa paba manalo sila Leo sa labanan at ano ang masamang banta kay Yuna? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Deat h X!
[
10:57]