Thursday, 8 October 2009blogger
Chapter XVII – Ang Paligsahan – Part IVKinaumagahan, araw ng labanan na hinihintay ng grupo nila Leo. Nagtungo agad sila sa lugar ng paglalabanan, sa templo ng Des Al Ay. Nagtagpo tagpo ang limang skwelahan mula sa ibat ibang lugar. “Master, salamat po talaga sa mga turo nyo sa amin.” Sabi ni Leo. “Wala yun Leo.” Sabi ni Wong. “Kaya natin to mga kaibigan!” sigaw ni Kyo. Nang biglang dumating ang grupo nila Mitoshi. “Hindi pa tayo tapos Wong.” Sabi ni Mitoshi. Nakatingin ng masama ang mga estudyante ni Mitoshi kila Leo. “Sino po sila master?” tanong ni Aqua. “Hayaan niyo na sila. Halina kayo.” Sabi ni Wong. Tumayo na si Z sa gitna sa tuktok ng templo, tila magsisimula na ang labanan. “Magsisimula na ang labanan!” sigaw ni Z. Nagsimula na ang paligsahan. Makalipas ng Ilang oras, pagod na pagod sila Leo pero sila ay para sa finals na. Ang makakatalaban nila sa finals ay ang grupo nila Mitoshi. “Leo, magiingat ka sa mga estudyante ni Mitoshi.” Bulong ni Wong. “Ralph, alam mo na gagawin mo.” Sabi ni Mitoshi. “Opo Master.” “Magsisimula na ang labanan ng grupo nila Leo at Ralph! Unang sasabak, Drake at Lei.” Sabi ng referee. Si Lei ay bihasa sa pag-gamit ng kadena, at si Drake at pawang suntok at sipa lamang. “Ikaw ba ang makakalaban ko? Tama nga ang aking guro, pawang mahihina kayo.” Sabi ni Lei. “Huwag mokong minamaliit!” galit ni Drake. “Lei, tapusin mo na yan” sabi ni Mitoshi. “Shin get su! Baluti ng Kadena!” “Drake, ilagan mo ang mga kadena niya.” Sabi ni Wong. “Hetong sayo!” sigaw ni Lei. At biglang naglabasan ang mga kadena sa katawan ni Lei. Sinasalag naman ito ni Drake, ngunit nagkasugatsugat na ang kanyang mga braso. “uhh!” Inda ni Drake. “Katapusan mo na!” sabi ni Lei. Biglang sinuntok ni Lei sa tiyan si Drake at biglang pinuluputan ng kadena. “UHh!” “Z! Akala ko bawal ang mga kapangyarihan sa labanang ito.” Sigaw ni Wong. “Nagkakamali ka Wong, Pwede gumamit Pwede! Wahaha” sigaw ni Mitoshi. “Magsaya kana dahi mananalo ka ng hindi patas.” Sabi ni Wong. BOOM! “Hindi!” sigaw ng lahat. Biglang bumagsak sa lupa si Drake at umusok ang buong paligid. “Panalo ako.” Sabi ni Lei. Natalo si Drake. Oras na para si Aero ang lumaban, laban kay Rinoa.
Ipagpapatuloy….
May pag-asa kayang manalo ang grupo nila Leo? Ngayon na alam na nilang pwedeng gumamit ng kapangyarihan. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
07:05]