Thursday, 12 November 2009blogger
Kabanata XXIV – Ang Pagtutuos – Part IVSa pagsugod ni Ralph ay gumamit siya ng ikatlong kapangyarihan, “Pagpapadami!” Naging lima siya, at hindi na nakatakbo si Leo. Wala na siyang nagawa kung di saluhin ito. “LEOOOO!” SIgaw ng lahat. “UUuuuuh!” sigaw ni Leo habang sinasangga ng kanyang kamay ang suntok ni Ralph habang siya ay palayo ng palayo dahil sa pwersa ng lakas ng suntok ni Ralph. “Leo, tumayo ka.” Iyak na sabi ni Aqua. “Wala ng laban ang manok niyo. Ralph tapusin mo na!” sigaw ni Mitoshi. “Delikado na ang lagay ni Leo. Z, ihanda mo ang espada mo.” Sigaw ni Wong. “Bakit kuya?” tanong ni Z. “Ihanda mo nalang.” Dugtong ni Wong. “Tatapusin ko na!” Sigaw ni Ralph at lumayo. “Ten, shin pa… Lex Divi Ra!” “Hinde!” sigaw ng lahat. “Wala ka talagang puso Mitoshi!!” sigaw ni Wong. “Diyan kalang Wong, oras na gumamit ka ng kapangyarihan mas mauuna ang bata mo.” Sabi ni Mitoshi. “Nawala na sa pagkatao si Mitoshi.” Sabi ng lalaking may hiwa sa kanang mata. Nabalot ng itim na kapangyarihan si Ralph, at mabilisang tumakbo patungo kay Leo. “Uhh!” sigaw ni Leo, hinawakan niya si Leo ng mahigpit at tumalon ng mataas. Lahat ng manunuod ay natatakot sa mangyayari. “Sa ngayon tinatawagan ko ang dragon ng kamatayan! Na si Lexus Divire Ramo” sigaw ni Ralph at nagitim ang paligid. Onting-onti pang nawawalan ng lakas si Leo. Halata na sa muka niya ang pagkahina. “Kuya, pag tumama ang Lex Divi Ra kay Leo ay mamamatay siya.” Sigaw ni Z. “Heto na!!!” Sigaw ni Ralph. Biglang binitawan ni Ralph si Leo at biglang inatake ng Dragon si Leo. “Uhhh!” isang malakas na inda mula kay Leo. “Hindi!! LeoO!” Sigaw ng lahat.
Ipagpapatuloy…
Nagamit na ni Ralph ang lahat ng kapangyarihan niya, at ang kanyang alas ang Lex Divi Ra. Kamatayan na nga ba ito ng ating bida? Abangan ang mga susunod na pangyayari sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[
11:08]