Thursday, 3 September 2009blogger
Chapter XI – Paligsahan – Part I“Ituturo ko sayo ang Dragon Assault” sabi ni Wong. “Ano po iyon master?” sabi ni Leo. “Itinuring ang Dragon Assault na sayaw ng dragon sa kamatayan, dahil mahirap ito kabisahin at palakasin.” Sabi ni Wong. Sa bahay naman ni Mitoshi, ay ineensayo niya si Ralph, Rinoa at Lei. “Ralph, naituro ko na sayo ang dalawang pinagbabawal na kapangyarihan. Ang Lex Divi Ra, at ang Sayaw ng Demonyo.” Sabi ni Mitoshi. “Paano kami master?” sabi ng dalawa pa. “Tama na ang ensayo ko sa inyo.” Sabi ni Mitoshi. “Leo, may tiwala ako sayo, kaya ituturo ko sayo ang Dragon Assault.” Sabi ni Wong. “Sige master hindi ko kayo bibiguin.” Sabi ni Leo. Umabot ng tatlong oras ang pagtuturo ni Wong kay Leo ng Dragon Assault, napakahirap talaga ito ituro. “Ha, ha, ha” hingal na hingal silang dalawa. “Naituro ko na kay Leo ang Dragon Assault, ang Nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan nalang.” Bulong ni Wong sa sarili niya. “Siya sige, Leo umuwi kana at maghanda kana bukas.” Sabi ni Wong. “Sige po maraming salamat po master, paalam” paalam ni Leo. Nagtungo si Wong sa laboratory ni Z. “Z, alam mo ba ang tungkol sa paligsahan na sasalihan ni Leo.” Sabi ni Wong. “Oo kuya, ako ang magiging hurado at tagapagbantay ng paligsahan.” Sabi ni Z. “Hindi mo naman ito nasabi sa akin. Naituro ko na kay Leo ang Dragon Assault.” Sabi ni Wong. “Ha? Ibig sabihin ituturo mo narin sa kanya ang nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan?” sabi ni Z. “Mawalang galang na ho, sa pagkakaalam ko ang nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan ay isang pinagbabawal na kapangyarihan.” Singit ni Monica. “Tama ka.” Sabi ni Wong. “At ito ay natutunan sa pagsasama ng puso, elemento ng apoy at paghihiganti.” Dugtong ni Monica. “May pagkakamali ka Monica, marahil nga may bahid ng kasamaan ang kapangyarihang iyon. Pero, may tiwala ako kay Leo.” Sabi ni Wong. “Sige aalis na ako.” Paalam niya at umalis na. Sa kaharian ni Demoniko. Aalis ako bukas, may pagmamasdan lang ako.” Sabi ni Demoniko. “Ano iyon panginoon?” tanong ni Ilipia. “Wag mo ng alamin.”sabi ni Demoniko. Kinaumagahan, araw ng paligsahan. Napakaingay ng paligid. “Leo, magiingat ka” sabi ni Yuna. “Opo inay!” paalam ni Leo at umalis na. “Sana hindi manggulo ang mga aso ni Demoniko.” Sabi ni Yuna. Nagkita-kita ang lima sa skwelahan, at limang kupunan lamang ang nakarehistro ibig sabihin labing-limang studyante iyon. Kung sino man ang manalo sa paligsahan ang siyang ilalaban sa ibang skwelahan sa ibang angkan. Lumipas ang isang oras at oras na ng paligsahan. Unang naglaban ang grupo nila Leo at ang grupo nila Mizuki. Lima laban sa lima ang patakaran. Si Leo ang unang sasabak laban kay Mizuki. “Ikaw na naman Mizuki.” Sabi ni Leo. “Ngayon ako na ang mananalo bubwit” asar ni Mizuki. Nang may napansin si Leo sa bandang kanan niya, isang lalaking may hiwa sa kanang mata. “Iyon ang lalaking nakita namin sa perya” sabi ni Leo sa sarili. “Simulan na ang Labanan!”
Ipagpapatuloy..
Magsisimula na ang labanan ng grupo ni Leo at ni Mizuki! Sino ba talaga ang lalaking may hiwa sa kanang mata. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
01:45]