Wednesday, 2 September 2009blogger
Chapter IX – Sikreto ng Tungkod ni WongDemonyong Uwak!
“Sinasabi ko na, ikaw ang humawak sa kapangyarihan na yan. Pero mas matalino ako sayo” sabi ni Wong at biglang lumipad. Inikot ikot ni Wong ang tungkod niya. At nag labas ng isang papel tila may gagawing skill. “Kapangyarihan ng lupa mapasaakin ka. Pagsabog ng ugat ng Lupa! Baliktad na mundo!” biglang bumagsak pababa si Wong at tinusok ang tungkod niya sa lupa. BOOOM! “Hetong sayo” sigaw ni Tyrone. Nagsilabasan ang mga uwak na may kasamang marka ng demonyo. Kung sino man ang malagyan ng marka ng demonyo ay magkakaroon ng dugo ni Demoniko. “Ugat protektahan niyo kame!” utos ni Wong. Tinago sila sa ilalim ng lupa. Nagsilabasan naman ang mga matutulis na ugat mula sa ilalim ng lupa at pinagtutusok si Tyrone. “Uhh!” inda ni Tyrone, kaliwat kanan ang tumutusok sa kanya. Nang nawala na ang mga uwak lumabas na sila Wong. Tila may ginagawang skill si Tyrone sa pamamagitan ng kanyang mga kamay kahit ito ay hindi niya na maigalaw. “Huwag mong susubukang tawagin sila Demoniko.” Sabi ni Z. “Tapusin na natin to” sabi ni Wong. “Huling paghahatol ng Lupa at langit, Pagsabog ng Lupa!” sabi ni Wong. “Z, iteleport mo tayo sa laboratory pagsabog!” dugtong niya. “Mamamatay man ako, hindi niyo mapapatay si Demoniko” huling sabi ni Tyrone. Biglang pumutok na ang paligid, nagkaroon ng lindol. Nasira ang mga puno. “Teleport!” sabi ni Z. At sila ay naglaho at naiwan si Tyrone sa gitna ng pagsabog. Sa kaharian ni Demoniko. “Aray! Uhh!” sigaw ni Demoniko sa sakit. “Hindi maari, nasasaktan lang ang panginoon natin pag namatay ang isa sa atin.” Sabi ni Jyonu. “Si Tyrone!” sabi ni Xinz. “Huli na ang lahat, patay na siya. Wala na ang kanyang kapangyarihan.” Sabi ni Ilipia. “Hindi maari ito, paano napatay ni Wong si Tyrone, isa lang ang forbidden skill niya.” Sabi ni Demoniko. “Huh?” pagtataka ng lahat. Sa laboratoryo nila Z. “Kapatid, bakit mo ginamit ang skill na iyon” tanong ni Z. “Yun na lamang ang huling alas laban kay Tyrone, dahil kahit ang pinagsamang pwersa ng kapangyarihan mo ay hindi siya mapapatay. Noong huling digmaan ang ama ni Tyrone ang muntik na pumatay sakin.Uhh” sabi ni Wong ng biglang sumakit ang katawan niya. “Mawalang galang na, ang kapangyarihan ng huling paghahatol ng lupa at langit ay kung sino man ang gumamit nito ay maaring mamatay rin.” Sabi ni Monica. “Oo, tama ka. Pero ang kapatid ko lamang ang bihasa sa paggamit nito” sabi ni Z. “Hindi pa iyon ang lakas ng huling paghatol. Wala pa sa kalahati iyon.” Sabi ni Wong. “Kaya hindi ako namatay, ngunit nasaktan rin ako” sabi ni Wong. Ng di nila inaasahan dumating ang nanay ni Leo, si Yuna. “Yuna naparito ka?” sabi ni Wong. “Naramdan ko ang pwersa mo Wong” sabi ni Yuna. “Paano?” sabi ni Monica. “Si Yuna ay nagtataglay ng kapangyarihan ng diyosang mapagmahal. Kaya kahit kaninong pwersa kaya nya ito maramdaman.” Sabi ni Z. Ningitian ni Yuna si Monica. “Z, maaring tumabi ka muna. Papagalingin ko muna si Wong.” Sabi ni Yuna. Tumabi si Z, at tila nagulat si Monica sa nalaman niya. “Kapangyarihan ng Liwanag mapasa akin ka. Heal!”. Biglang gumaling si Wong. “Wala paring kupas ang lakas mo Yuna” kantsaw ni Wong. Nagtawanan ng lahat. “Z at Wong, siya ba ang babaeng humahawak sa kapangyarihan ng Kidlat?” tanong ni Yuna. “Oo.” Sabi ng dalawa. “Wong, ngayon dumating na ang kampon ni Demoniko. Ipatawag na natin ang apat na bata.” Sabi ni Z. “Alam natin kung sino sila, alam natin kung nasaan sila. Pero mabibigla sila. Pagkakaalam ko sasali sila sa martial art contest. Hintayin nalang natin ang pagkakataong iyon.” Sabi ni Wong.
“Siya sige, malalim na ang gabi magsi uwi na tayo” paalam ni Wong. At kanya kanyang lakad na sila pauwi.
May tinataglay palang forbidden skill si Wong at si Yuna ay may kapangyarihan rin. Abangan nalang natin ang susunod na mangyayari sa Destiny Death X.
[
08:29]