Thursday, 3 September 2009blogger
Chapter X – Ang Paghahanda!Kinaumagahan. “Inay, pasok na po ako.” Sabi ni Leo. “Sige anak mag ingat ka.” Sabi ni Yuna. Umalis na si Leo sa bahay. Pero parang may gumugulo sa isipan ng kanyang nanay. “Sana hindi siya matunton ni Demoniko.” Sabi ni Yuna sa sarili niya. Sakto naman habang papunta si Leo sa skwelahan ay nakita niya sila Aqua at Drake. “Leo!” sigaw ni Aqua. “Aqua! Kamusta ka” bati ni Leo. Nawala na naman sa pagiisip si Leo ng Makita si Aqua. Bigla siyang binatukan ni Drake. “Aray!” inda ni Leo. “Bakit mo ginawa yun” dugtong nya. “Tulala ka na naman eh, tara pasok na nga” sabi ni Drake. “Hihi” tawa ni Aqua. Pumasok sila sa skwelahan ng maaga, tila sila palang ang tao sa skwelahan. Ng magkita na naman ang mga mata ni Leo at ni Mizuki. “Ano Mizuki, maghahanap ka na naman ng gulo” sabi ni Leo. “Leo ano kaba” bulong ni Aqua. Hindi ito pinansin ni Mizuki, nilayuan niya na lang si Leo. Mukang takot na siya sa sapak ni Leo. Pumasok na sila sa kainlang silid aralan, at animoy may pista sa gulo. “Ano meron?” bulong ni Drake kay Kyo. “Dumating daw yung pinakamagaling na martial artist, si Z bay un?” sabi ni Kyo. “Sino yun?” tanong ni Aqua. “Yun daw ang magiging hurado sa martial art contest.” Sabi ni Kyo. “Basta gusto ko yun makilala.” Sabi ni Leo. “Leo nga naman” ngiting sabi ni Aqua. Hindi lang alam ni Leo si Z ay kapatid ni Wong. Pinababa ang lahat ng studyante para malaman kung sino ang mga sasali sa paligsahan. Magiging isang grupo laban sa grupo ang palahok. Lima bawat silid aralan, at pagdating naman sa inter-school fight ay kung sinong grupo ang manalo sa bawat skwelahan ang siyang maglalaban laban. “Magandang uamga mga bata, ako si Z.” pakilala ni Z. Sinimulan ang pagkuha sa mga papel ng mga sasali. “Aqua,Drake,Aero,Kyo Sali tayo ako ang pinuno” sabi ni Leo. “Bakit ikaw? Tanong ni Aero. “Wala lang basta ako na” sabi ni Leo. Binigay na ni Leo ang kanilang papel. “Sana mga bata, ang kumpitisyong ito ay maging Masaya at kapana panabik.” Sabi ni Z. Lumipas ang isang oras pinauwi na ang mga bata. “Sige guys, mag ensayo na tayo! Magkita kita tayo sa bahay ni Master Wong mamayang alas kwatro ng hapon.” Sabi ni Leo. Umuwi si Leo para kumain. At pagpatak ng alas tres trenta ng hapon nagtungo na siya sa bahay ni Master Wong. “Master!” sigaw ni Leo habang naglalakad. “Oh Leo naparito ka” sabi ni Wong. “Gusto po sana namin na ensayuhin nyo po kami para sa paligsahan” sabi ni Leo. “Yun lang ba? E diba bukas na iyon?” tanong ni Wong. “Opo master!” galak na sabi ni Leo. At nagsirating na ang kanyang mga kasama. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Panginoon, pinatawag niyo daw ako.” Sabi ni Yana. “Oo, Yana. May eksaminasyon akong gagawin sayo. Ang magpapabago sa kapalaran mo at pagkatao mo.” Sabi ni Demoniko. “Ano ang gagawin niyo sakin panginoon?” sabi ni Yana. “Sa ngayon, hanapin mo ang bulaklak ng kalungkutan.” Utos ni Demoniko. “Masusunod.” Sabi ni Yana, na tila gulong gulo sa sinabi ni Demoniko. Umalis si Demoniko at nagtungo sa isang kweba. Mabalik tayo kila Leo. “Siya sige, simulan na natin ang ensayo.” Sabi ni Wong. “Unang pagsubok mga bata, pabilisan tumakbo at makarating sa puno ng mangga.” Dugtong niya. “Simulan niyo tumakbo sa hudyat ko” sabi ni Wong. “Okay!” sigaw ng mga bata. “Takbo!” hudyat ni Wong. At nagsimula na silang tumakbo patungo sa puno ng mangga. Napakabilis ni Aero tila parang isang hangin. Nahuhuli naman si Leo. Lumipas ang tatlong minuto, si Aero parin ang nangunguna at si Kyo na ang nahuhuli. Hanggang makarating sila sa puno ng mangga. “Anggg,, laaaayo pala nun!” hingal na sabi ng lahat. “Mahusay mga bata, nakikita niyo ba ang lawang iyon sa likod natin.” Sabi ni Wong. “Opo!” sabi ng lahat. “Huwag niyo pong sabihin master na, tatalon kami dyan.” Sabi ni Leo. “Hindi naman Leo, lalangoy lang mula dito sa itaas” sabi ni Wong. “Talon na!” hudyat ni Wong. Tila takot si Leo pero tinulak siya ni Wong. “Huwaa!” sigaw ni Leo. BUSSHHH! Parang nalulunod si Leo. “Leo kaya mo pa ba.” Sabi ni Wong. Biglang umahon si Leo, pagkatingin niya wala na ang iba niyang kasama na sa kabilang ibayo na. “Asan na sila?” tanong ni Leo. “Sumabay ka sa agos.” Sabi ni Wong. Lumangoy ng mabilis si Leo. Hanggang makarating sila sa pangpang. Huli na naman si Leo. “Ngayon huling pagsubok para sa araw na to.” Sabi ni Wong. “Ha?” pagtataka ng lahat. “Ito ay isang labanan, kayong apat ay maglalabanan maliban kay Aqua.” Sabi ni Wong. “HA?” sabi ni Drake. “Simulan niyo na. Labo labo ito” sabi ni Wong. Kabang kaba ang lahat dahil unang beses nilang gagawin ito, si Aero ang unang sumapak. Sinapak niya si Kyo. “Kyo!” sigaw ni Leo at bigla narin siya sinapak ni Drake. “Hetong sayo!” sigaw ni Kyo. Lumipas ang limang minuto. “Tama na.” sabi ni Wong. “Sakit mo pala sumuntok Drake.” Sabi ni Leo. “Magaling mga bata, tandaan niyo lamang na ang inyong kalaban ay ang musika at kayo ang mananayaw.” Sabi ni Wong. “Matuto kayong magbasa ng galaw ng kalaban tulad ng ganito. Halika Leo” sabi ni Wong. “Suntukin moko ng tatlong beses at sipain moko ng dalawang beses” dugtong niya. “Okay master.” Sabi ni Leo. HIYA! Uma-atras lang si Wong para ilagan ang mga atake ni Leo. “Ganun lang.” sabi ni Wong. Sige ipagpatuloy nalang natin ang ensayo bukas. “Ngunit master, bukas na ang labanan namin.” Sabi ni Aero. “Magtiwala kayo sa akin. Leo maiwan ka.” Sabi ni Wong. “Sige po paalam na!” sabi ng iba. Umalis na ang iba maliban kay Leo. “Leo, eensayuhin kita. Dahil ikaw ang mahina sa lahat.” Sabi ni Wong. “Ituturo ko sayo ang Dragon Assault” sabi ni Wong.
Ipagpapatuloy..
Iniensayo na ni Wong ang mga bata para sa paligsahan. Ano kaya ang Dragon Assault? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
01:42]