Wednesday, 19 August 2009blogger
Chapter VII – Kabilugan ng Buwan Part IISa bundok ng Lentado. “Wahahahaha, Mitoshi. Sadyang matalino ka, kaya siguro umalis ka sa kampo nila Wong at Saisuki. Dahil alam mo na mas makapangyarihan ako. Wahahahaha, sige bibigay ko ang gusto mo. Mamayang kabilugan ng buwan, sa templo ng diyablo, doon tayo magkita” sabi ni Demoniko. Biglang nawala si Demoniko at ang mga demonyong mandirigma. Umalis narin si Mitoshi para ensayuhin ang kanyang mga studyante. Sa kabilang ibayo naman, si Wong ay hanggang ngayon ay gulong gulo. “Onting oras nalang, kabilugan na ng buwan. Saan kaya tinago ng kapatid ni Saisuki ang kwintas ng apoy.” Sabi ni Wong sa sarili niya. Nang biglang may mga maiingay na tunog sa paligid ng bahay ni Wong. “May kalaban” sabi dugtong niya. Lumabas agad ng bahay si Wong para tingnan kung ano ang mga umaaligid sa kanyang bahay. Nagulat si Wong sa nakita niya. “Mga kampon ni Demoniko, ngunit wala pang kabilugan ng buwan” sabi ni Wong.
Kapangyarihan ng lupa mapasakin ka! Earth Disguise!
Tila may prusisyon ang mga alipores ni Demoniko. “Saan kaya patungo ang mga dagang ito.” Sabi ni Wong sa sarili niya. Sinundan ni Wong ang mga mandirigma ni Demoniko. Habang lumalapit ang kabilugan ng buwan ay dumidilim ng dumidilim ang paligid tila wala nang araw na sisikat pa. Makalipas ang ilang minute, nakarating sa templo ng diyablo ang mga alipores ni Demoniko at si Wong. “Dumating na ang oras, dumating na ang pagahon natin sa ating mga libingan” sigaw ni Xinz. “Mabuhay ang mga Demonyo!” sigaw ni Jyonu, isa sa mga demonyong mandirigma at kapatid ni Xinz. “Manahimik kayong lahat, sisimulan na natin ang seremonya.” Sabi ni Demoniko. Dumating na ang oras, bumilog na ang buwan, napakadilim ng paligid. Nagsilabasan ang mga paniki at mga alagad ni Demoniko. “Oras na, panginoon ng mga demonyo, kapangyarihang walang hanggan. Naparito kami, para muling bumangon sa hukay at muling pumatay” sigaw ni Demoniko, at itnaas niya ang kanyang mga kamay. “Kapangyarihan ng kadiliman mapasamin ka!” sigaw ng magkapatid na demonyo. Nagilaw ang kamay ni Demoniko. ”Delikado ang lagay ko dito, maamoy ako ni Demoniko” sabi ni Wong. Biglang lumayo si Wong at nagpalabas ng mga taong lupa. Pinasugod ni Wong mga taong lupa sa mga alipores ni Demoniko para mapigil ang seremonya. Ngunit walang epekto, nagmasid na lamang si Wong. “Tatlo pang demonyong mandirigma, umahon na kayo. Heto na ang oras ng paghihimagsik” sigaw ni Demoniko. Biglang kumidlat sa lugar nila Demoniko, biglang tatlong demonyong mandirigma ang dumating. “Yana, Tyrone, at Ilipia. Umahon kayo, narito ang basbas ko.” Sabi ni Demoniko, at binasbasan niya na ang tatlong demonyong mandirigma. “Kabilugan ng buwan, ang lakas mo ay mapasakin!” biglang kumidlat at tinamaan si Demoniko. Nagulat ang lahat, pero nagibang anyo si Demoniko. “Wahaha, nagawa natin ng tama ang seremonya. Ngayon Mitoshi, tanggapin mo ang kapangyarihan ng marka ng demonyo.” Sabi ni Demoniko, at hinawakan nya ang dibdib ni Mitoshi, biglang lumabas ang mga marka ng Demonyo. “Uhhhhhhhhh” sigaw ni Mitoshi. Naisagawa ni Demoniko ang seremonya ng pagkabuhay ng mga demonyo, at nasalin na niya ang marka ng demonyo kay Mitoshi. Nasa panganib na ngayon si Leo at ang iba pa. “Hindi maari ito.” Sabi ni Wong, at bigla na siyang lumisan ngunit. Biglang napalingon si Xinz at sinabi, “May nakapasok na kalaban panginoon!”
Ipagpapatuloy…
Napakagulo na ng sitwasyon ng ating mga bida. Tila lumakas na ang kampon ni Demoniko. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
23:23]