<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6621115091721012912\x26blogName\x3dTadhana\x27t+Kamatayan\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ddxstory.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_GB\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ddxstory.blogspot.com/\x26vt\x3d-7034186843995932076', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Wednesday, 12 August 2009blogger

Chapter IV – Magkakaibigan kame! Part I

Ala-syete ng gabi, tumambay si Leo sa ilalim ng puno ng mangga sa may bundok ng tabor. “Isang araw na naman ang matatapos, tila nilalampasan lang ako ng oras ah!” bulong ni Leo sa sarili niya. Nang biglang may sumigaw, “BULAGA!”. Nagulat si Leo, tila muntik na malaglag sa bundok napakapit tuloy siya sa damo, yun pala ay ang mga kaibigan niya. Sila Aqua,Aero,Drake, at Kyo. “Haha, ano ginagawa mo dito Leo?” tanong ni Aqua. Si Aqua ang tila muse ng kanilang barkada. “Ano paba, edi nagpapahangin nag iisip ng kung ano ano” sabi ni Aero, si Aero ay isang arogante, pero mabait na kaibigan. Biglang parang kinukumpas ni Aero ang mga kamay sa ere, para siyang nakakabuo ng mga hugis sa ere. “Wow?!? Paano mo ginawa yan Aero?” tanong ni Drake na nakamulat ang mata. Tila tulala silang lahat sa nakita. “Aba ewan ko” sabi ni Aero. Tila may misteryo sa hangin? O misteryo kay aero. Napagisipan nalang nila na magtungo nalang sa bayan kahit gabing gabi na, para magpalipas oras. Pagdating nila sa bayan, sakto naman na may palabas para sa mga bata. “Halina kayo, sa bahay ng itim!” sigaw ng isang payaso. Tila napaisip sila sa itsura ng payaso, ito ay may marka na guhit sa kanyang kanang mata. “Ano papasok ba tayo?” tanong ni Kyo sa iba. “Wag na, wala naman tayong pera eh.” Sabi ni Leo. Naglakad lakad ulit sila, habang nasa daan ay sila ay nagkwe-kwentuhan. “Leo leo, sasali kaba doon sa martial arts contest sa skwelahan natin?” tanong ni Drake. “Oo nga Leo, diba gusto mo yung mga ganung paligsahan?” dagdag ni Aqua. “A…e.. hindi ko alam e.” sagot niya ng biglang may isang tunog silang narinig. “Ano yon?” gulat na sabi ni Kyo. “Dito banda, kumakaluskos ang mga damo” sabi ni Leo. Pinuntahan nila ang damuhan ng biglang. “Rawrr!” Lahat sila ay nagulat sa nakita, isang leyon! Dali dalian sila nag si takbo papalayo ngunit hinahabol sila ng Leyon. “Leo ano gagawin natin?” kabang sabi ni Drake. “Sumunod kayo sakin!” utos ni Aero. Nagpatuloy ang habulan, hanggang makaabot sila sa dulo ng bundok, tila wala na silang mapupuntahan pang ibang lugar. “Naku! Dead end! Mamatay na ba tayo?” paluhang sabi ni Aqua. “Huwag kang magalala Aqua, sama sama tayo makakaligtas tayo alam ko!” magiting na sinabi ni Leo.
Ipagpapatuloy…
Nasa panganib ang ating mga bida! Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Sila ba ay magiging tsibog ng Leyon? O marahil sila ay makakaligtas. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[08:16]





That Guy

EDIT MEE. ;]]

Wanted

you wishlist here :D

My Musixx.


Music Playlist
Music Playlist at MixPod.com



ChitChat


Links

Jem =]
Hanaperos
Mobius Games
Chayd's Entry for Mu Blog Making Contest
Add me in Facebook

Credits

Designer:pearlynloves
Background: Photobucket

Archives

By post:
Chapter III - Ang Sikreto Part II
Chapter II - Ang Sikreto - Part I
Chapter I - Si Leo


By month:
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
March 2010