<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6621115091721012912\x26blogName\x3dTadhana\x27t+Kamatayan\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ddxstory.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_GB\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ddxstory.blogspot.com/\x26vt\x3d-7034186843995932076', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Monday, 10 August 2009blogger

Chapter I – Si Leo!

“Inay! Papasok na po ako sa skwelahan, paalam na po!” paalam ni Leo kay Yuna. “Sige anak, magiingat ka!” sabi ng kanyang inay na si Yuna. Si Leo ay nagiisang anak ni Yuna Arigawa at ni Heneral Saisuki Subachi. Ang kanyang ina si Yuna Arigawa, ay nanggaling sa isang mabait na angkan ng mga Arigawa, sa bansa ng Lupaing Pinagkaitan, at si Saisuki ay isang tubong taga apoy.
Sa skwelahan. “Hoy Leo!” sigaw ng kanyang mga kabarkada, sina Kyo at Drake. “Oh bakit? Simula na ba ang klase?” tanong ni Leo. Sabay silang tatlong pumasok sa kanilang silid-aralan. Si Magkakabarkada silang tatlo, pawang may kanya kanya silang tinataglay na kakayahan. Si leo ay magaling sa mga pisikal na bagay, si Kyo ay magaling sa mga paggawa ng tula, parang ang kanyang buhay ay nakasaad na sa kanyang mga sinusulat at si Drake ay magaling sa siyensya at matematika. Tanyag si Leo sa kanilang skwelahan, dahil sa kanyang kabutihan sa kanyang mga kapwa mag-aaral. Biglang tumunog ang bell! “KRINGG! KRING!!” ibig sabihin ay oras na para kumain at magpahinga! Nang biglang! “Tulong! Huwag huwag! Tulong!” sigaw ng isang bata. “Leo, si John ginugulo na naman ata ng grupo nila Mizuki!” sigaw ni Drake. Dali-daliang bumaba patungo sa likod ng canteen sila Leo. “Hoy Mizuki! Wag mong anuhin ang bata! Kita mong wala nga siyang pera e!” sigaw ni Leo. “Ano naman pake mo? Ano gusto mo sapakan? Halika dito, tatlo kame tatlo rin kayo tara!” angas na alok ni Mizuki. Si Mizuki ang pinaka matanda sa lahat ng nasa skwelahan, ika nga nila-“repeater” siya! Tatlo silang magkakapatid, sina Mizuki, Ken at Zy. “Leo, wag mo na labanan, sumbong ko nalang sa principal, mapapahamak pa tayo dito e.” bulong ni Kyo kay Leo. Ngunit hindi ito pinansin ni Leo, at biglang sinapak ni Mizuki si Leo at nagsimula na ang sapakan. “Hetong sayo!” sigaw ni mizuki! “Hetong sayo!” sigaw ni Leo. Makalipas ang limang minuto, natapos ang sapakan nila. “Ano Mizuki, ilang beses na kitang sinabihan na huwag na huwag mong gagalawin ang mga bata sa skwelahan, kung hindi ako makakaharap mo!” sabi ni Leo. “Mizuki, maswerte kalang ngayon bubwit!” sabat ni Mizuki. Umalis na sila Leo para kumain. Biglang nanghina si Leo, na parang wala ng lakas, at biglaan siyang nahimatay. “Leo gising! Tara drake dalhin na natin kay master wong to!” sabi ni Kyo. Si Master wong, ay isang martial artist at manggagamot, siya lamang ang nakakapagaling kay leo pag ito ay may sugat, tila may kapangyarihan siya.

Tila palaban ang ating bida? Abangan natin ang iba pang susunod na kabanata sa Destiny Death X!
[06:30]





That Guy

EDIT MEE. ;]]

Wanted

you wishlist here :D

My Musixx.


Music Playlist
Music Playlist at MixPod.com



ChitChat


Links

Jem =]
Hanaperos
Mobius Games
Chayd's Entry for Mu Blog Making Contest
Add me in Facebook

Credits

Designer:pearlynloves
Background: Photobucket

Archives

By post:


By month:
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
March 2010