Thursday, 13 August 2009blogger
Chapter VI – Kabilugan ng buwanPinauwi na ni Wong si Leo, para makapagpahinga. Kinaumagahan, nagtungo si Wong sa isang templo, ang templo ng elemento. Pagkarating ni Wong sa templo, tila ayaw niya pumasok, ano kaya ang meron sa templong ito. Pumasok si Wong ng may tapang at umakyat sa pinaka tuktok at pumasok sa isang kwarto. Tahimik ang kwarto at ang templo, animoy walang nakatira rito. “Panginoon.” Samo ni Wong. Biglang nagliwanag ang buong templo tila may mahika ang salita ni Wong. “Wong, naparito ka? May masama bang nangyari kay Leo?” isang boses ang narinig. “Panginoon ng elemento, ayos lang siya ngunit sasali siya sa isang martial arts comptetion. Hindi ko masukat kung kelan magigising ang dragon, pwede habang siya ay nakikipaglaban o natutulog.” Gulong gulong sabi ni Wong. “Wong…Wong… nakasulat sa propesiya, na ang dragon ay gigising sa tamang oras, pag dumating na ang kampon ni Demoniko, ngunit may masama akong pangitain tungkol sa labanan na sasalihan ni Leo. Yan na muna sa ngayon, babalik ako sa tamang oras. Ang oras na handa na ang bata, na lubanan ang kampon ni Demoniko at tanggap na niya na siya ang tagapagligtas at tagapagmana. Isa pa wong, ang kwintas ng apoy alam mo ba kung nasaan?” tanong ng Diyos ng elemento. Napatungo si wong, tila dinamdam ang sinabi ng diyos. “Hindi ko po alam, kung saan tinago ng kapatid ni Saisuki ang kwintas na ginawa niya, at bago mangyari ang huling gera panginoon, sinabi na ito ni Saisuki diba? Na dadating ang panahon na lalabas ang kapatid niya para ibigay ang kwintas. Napakagulo ng sitwasyon natin.” Sabi ni Wong. “Paalam na wong, tatagan mo ang sarili mo… oras na malaman na ni Leo ang katotohanan dalhin mo siya rito.” Sabi ng Diyos at bigla namatay ang ilaw sa templo. Umalis si Wong ng may problema, tila wala ng katapusan na problema sa buhay niya. Alas tres ng hapon sa bahay ni Wong ay dumating si Leo. “Master! Pumayag na po si inay, makakasali na po ako sa paligsahan.” Tuwang sabi ni Leo habang siya ay tumatalon. “Mabuti iho, simulan na natin ang ensayo” sabi ni Wong. Walang oras, Segundo o minutong sinayang si Wong para turuan si Leo. “Malalaman mo rin ang katotohanan..” bulong ni Wong. “Master? May sinasabi po ba kayo?” takang sabi ni Leo. “Wala sabi ko tuturo ko sayo ang isang teknik, Suntok ng dalawang beses sabay tumalon ka patalikod sabay isang sipa!”. Nagtuloy tuloy ang ensayo nila hanggang hating gabi, tila hindi magandang araw iyon kay Wong. Alasais ng gabi ng naghapunan na sila. Nang biglang may pumasok sa ulo ni Wong. “Iho, kelan ang paligsahan?” tanong ni Wong. “Sa makalawa na po.” Galak na sabi ni Leo. “Makalawa? Kabilugan ng buwan mamaya, tuwing pangalawang araw makalipas ang kabilugan ng buwan ay lumalabas ang kampon ni demoniko.” Gulat na sabi ni Wong sa sarili niya. Sa isang malayong lugar sa bundok ng lentado. “Malapit na… malapit na…. malapit na… ilang oras nalang… muling babalik ang lakas ko…. Bagong simula ito para sa ating lahat…” sabi ni Demoniko. “Panginoong demoniko, si Mitoshi ay narito” sabi ni Xinz. Si Xinz ay isa sa mga demonyong mandirigma ni Demoniko. Pinapasok si Mitoshi sa kwarto ni Demoniko. “Naparito ka mitoshi?” tanong ni Demoniko. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa demoniko, sumali ako sa kampon mo, ngunit wala parin ang hinihilin ko? Isa lang ang hiling ko ang itim na marka ng demonyo, sasali ang tatlo kong studyante sa isang paligsahan sila Ralph, Rinoa, at si Lei.” Tapang na sabi ni Mitoshi.
Ipagpapatuloy…
Tila gumugulo na ang buhay ng ating mga bida. Si wong napakarami ng problema, at ano ang kwintas ng apoy? Ano ang mga balak ng kampon ni Demoniko? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
00:42]