<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6621115091721012912\x26blogName\x3dTadhana\x27t+Kamatayan\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ddxstory.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_GB\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ddxstory.blogspot.com/\x26vt\x3d-7034186843995932076', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Friday, 15 January 2010blogger

Kabanata XXIX – Ang Katotohanan – Ika-apat na Parte

Nabalutan ng dilim ang kaharian ni Demoniko. “Panginoon, nasaan ang isang marka?” tanong ni Xinz. “Ang isang marka, ay ibinaon sa kaliwang mata ng aking kapatid.” Sagot ni Demoniko. “Kapatid? May kapatid kayo panginoon?” tanong ni Illipia. Biglang may pumasok sa isipan ni Xinz, ang pangyayaring nakita niya sa kwarto, na mistulang may kausap si Demoniko. “Makikilala niyo rin siya. Sa ngayon, nais kong malaman niyo. Nabuhay na ang dragon ng kapayapaan sa pagkatao ni Leo.” Balita ni Demoniko. “Panginoon, hindi maari iyon!” sigaw ni Jyonu. “Talang hindi, dahil ngayon bibigyan ko kayo ng mas malakas pang kapangyarihan sa pamamagitan ng inyong mga sandata. Ilapag niyo sa aking harapan ang inyong mga sandata. “Leo, kababata ko ang ama mo, si Heneral Saisuki Subachi. Isang magiting na mandirigma. Ipinasa sa kanyang ama, ang kapangyarihan ng dragon ng kapayapaan, sa pamamagitan ng pagkulong nito sa pagkatao ng ama mo. Dito nagsimula ang kaguluhan, sa kapangyarihan ng Dragon. Kasabay ng pagsalin, ay ang pagkabuhay ng kampon ni Demoniko. Sadyang malakas ang dragon ng kapayapaan, kahit sino ay kaya nitong patayin. Wala pang nakakadiskubre ng makakatalo dito. Ngunit natagpuan ng iyong ama, na may limitasyon ang pagpapalabas sa dragon. Limang beses lamang. At kung maipalabas mo ang dragon ng limang beses, mamamahinga ito ng limang taon. Na sadyang nagpahirap sa amin ng dumating ang panahon ng huling digmaan ng elemento.” Sabi ni Wong. “Huling digmaan?” pagtataka ni Leo.

Ipagpapatuloy…

Ano? Papalakasin ni Demoniko ang mga kapangyarihan ng kanyang kampon! Malapit na talagang malaman ng buo ni Leo ang tungkol sa kanyang pagkatao. Abangan nalang natin ang susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[04:49]

blogger

Kabanata XXVIII – Ang Katotohanan – Ikatlong Parte

“Narito tayong lahat sa kwarto ko. Ngayon malalaman niyo ang tunay kong pagkatao.” Sabi ni Demoniko. Lahat sila ay nagtaka at nagulat nang biglang umikot ang pader kung saan nakadikit ang upuan ni Demoniko. “Ano to panginoon!” sabi ni Xinz. “Maghintay ka. Kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng aking ama. Buksan mo at ipakita, ang nakatagong kapangyarihan sa templong ito!” At biglang nagdilim ang buong paligid, nakarinig sila ng mga kulog at kidlat. BOOOM! Tinamaan ng kidlat ang kwarto kung nasaan sila at biglang isang espada ang lumitaw. Espadang may demonyong muka sa hawakan at may mga nakamarka sa talim. “Isang espada!” sabi ni Illipia. “Oras na aking mga kampon.” Sabi ni Demoniko at hinawakan ang espada. Sa paghawak niya ng espada ng liyab ang kinanatayuan ni Demoniko. “Uhhhh!” “Panginoon!” sigaw ni Yana at biglang hinawi ang apoy. “Uhhh! Ang kamay ko.” Naging abo ang kamay ni Yana. BOOM! Nawala ang apoy na nakapaligid at nagulat sila sa kanilang nakita. Si Demoniko ay nagkapakpak ng demonyo, nagkasungay at hawak hawak ang espada. “Humayo kayong lahat.” Sabi ni Demoniko. “Hindi ikaw ang panginoon namin!” sigaw ni Xinz at sinapak si Demoniko. Pero bago pa tumama sa muka ni Demoniko ang suntok ay bigla siyang nag laho. “Gusto mo ng sample, na ako ang panginoon mo?” banta ni Demoniko. Pumikit at muling dumilat si Demoniko, at ang mga marka ng demonyo ay nakikita sa kanyang mga mata. Bigla niyang tiningnan ng masama si Xinz at bigla itong lumipad paitaas. “Bitawan mo ang kuya ko!” sigaw ni Jyonu. “Bitawan pala eh.” “Uhh” inda ni Xinz. “Ngayon naniniwala kana?” “Panginoon patawarin niyo ko” sabi ni Xinz. “Ngayon, makikita niyo kung sino talaga ako.” Itinusok ni Demoniko ang espada sa sahig. At biglang tinanggal ang maskara. Naaninag nila ang isang muka na may hiwa sa kanang mata. “Panginoon. Ano yang marka sa inyong mata?” pagtataka ni Yana. “Dito nagmumula ang kapangyarihan ko. Ito ay nasa aking mata, mula ng aking pagsilang. Dati ang ama ko ang may hawak nito, dalawang marka ito. Isa lang ang napunta sa akin.” Eksplika ni Demoniko. Nagulat ang lahat sa kanilang narinig at nasaksihan.

Ipagpapatuloy….

Hindi maari! Si Demoniko ang lalaking may hiwa sa kanang mata? Abangan nalang natin sa mga susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[04:49]

Thursday, 7 January 2010blogger

Kabanata XXVIII –Ang Katotohanan – Ikalawang Parte

“Yuna, mas maganda kung papagalingin mo si Leo at marinig niya ang katotohanan sa kanyang pagkatao.” Sabi ni Wong. Tumungo si Yuna at biglang kinuha ang bulaklak niya. “Kapangyarihan ng Diyosang Mapagmahal mapasa-akin ka! Pagalingin ang aking anak.” Biglang lumutang ang katawan ni Leo at umilaw. “Leo!” sigaw ni Aqua. Biglang namulat ang mga tao ni Leo. “Nannasan ako?” “Leo anak!” sigaw ni Yuna at biglang niyakap si Leo habang lumuluha. “Inay.” Bulong ni Leo. Biglang niyakap rin ni Aqua si Leo. “Leo!” sigaw niya habang lumuluha. “Oh bakit Aqua?” Biglang sinampal ni Aqua si Leo. “Aray bakit mo ginawa iyon.” “Ahaha masakit ba Leo?” kantsaw ni Drake. “Eh kasi naman pinag-alala mo kami kanina!” sigaw ni Aqua. “Pinag-alala? Wala akong maalala kung ano mga nangyari kanina.” Sagot ni Leo. Tiningnan ni Yuna si Wong at sinabi. “Sige Wong, ipagtapat mo na sa lahat ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Leo.” “Pagkatao ko inay? Anong meron naguguluhan ako.” Banggit ni Leo. “Leo, oras na para malaman mo ang katotohanan sa iyong pagkatao. Sana matanggap mo ito.” Sabi ni Wong. “Na…naguguluhan ako, sabihin niyo na sa akin kung ano meron.” Sabi ni Leo at sinimulan ni Wong ang pagkukwento. “Sisimulan ko, ang pagkukwento mula sa buhay ng iyong ama.” Sabi ni Wong. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Panginoon, nagbalik kayo.” Sabi ni Xinz. “Nasaan si Yana.” Sabi ni Demoniko. “Naroon kasama ang kapatid ko.” Sagot ni Xinz. “Si Illipia?” “Hindi pa bumabalik panginoon” Nang biglang dumating si Illipia na hinihingal at pagod. “Saan ka galing?” tanong ni Demoniko. “May pinuntahan lang panginoon.” Sagot niya at biglang hinawakan ni Demoniko ang ulo ni Illipia. Tila nababasa ni Demoniko ang nasa isipan ni Illipia. Pinuntahan mo si Yuna, at nakalaban mo ang isang lalaking nakaputi at nakita mo si Kamahas.” Sabi ni Demoniko. Namangha si Xinz. Bigla namang dumating sila Jyonu at Yana. “Heto na pala si Illipia eh.” Sabi ni Jyonu. “Ngayon Illipia mag-tatago kapa?” tanong ni Demoniko. “Patawarin niyo ko panginoon.” Sabi ni Illipia. “Lahat magtungo sa kwarto ko. May dapat kayong malaman ngayon din.” Utos ni Demoniko.

Ipagpapatuloy…

Ngayong gising na si Leo, masasabi na ni Wong ang lahat. Ano naman kaya ang ipagtatapat ni Demoniko? Abangan sa mga susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[07:10]

blogger

Kabanata XXVII – Ang Katotohanan – Unang Parte

“Oras na , dumating na ang oras..” sabi ni Wong. “Wong! Hindi pa tayo tapos.” Sigaw ni Mitoshi habang papalayo. “Master anong dumating na po ang oras?” tanong ni Kyo. Pinaliwanag ni Wong kung ano iyon habang sila ay pauwi sa bahay ni Leo. Bigla namang hinabol sila nila Z para sumabay sa paguwi. “Kuya, mas maganda kung ipaliwanag mo yan pag dating natin sa bahay nila Leo.” Sabi ni Z. “Tama ka nga kapatid ko.” Sabi ni Wong. Makalipas ang ilang minuto natunton nila ang Bahay nila Leo. Sinalubong sila ni Yuna. “Wong! Anong nangyari kay Leo.” Pagtataka ni Yuna. “Mahabang istorya Yuna.” Sabi ni Z. “Pumasok muna kayo sa loob” dugtong ni Yuna. “Leo, gising Leo.” Sabi ni Yuna habang tinatapik ang muka ni Leo. Naupo sila sa upuan at sinimulan ang diskusyon. “Ano ba ang nangyari Wong?” dugtong niya. Huminga ng malalim si Wong at sinimulan ang pagkwento. “Ganito kasi yun Yuna. Laban yun ni Leo, ang nakaharap namin ay ang grupo nila Mitoshi. Hindi namin akalain na ang kalaban ni Leo na si Ralph, ay nilagyan ni Mitoshi ng itim na marka ng Demonyo.Kaya naging mahirap kay Leo ang laban, sapagkat wala siyang kapangyarihan at hindi pa natin nasasabi ang totoo. Sa kalagitnaan ng laban, dehado si Leo. Muli kaming nagulat ng nakita namin ang alaga ni Mitoshi na gumamit ng pinagbabawal na kapangyarihan ang Lex Divi Ra.” Sabi ni Wong at siya’y napahinto. “Isang pinagbabawa na Kapangyarihan! Maaring ikamatay ng anak ko iyon.” Sigaw ni Yuna at biglang tumayo sa pagkakaupo. “Maghinay hinay ka Yuna.” Sabi ni Z. At itinuloy ni Wong ang pagkwento. “At sa pagkakataong ito nagulat kami, dahil nabuhay muli ang marka ng Dragon. Sa ikalawang pagkakataon naman pinagtangkaan ni Ralph na gumamit muli ng Lex Divi Ra, ngunit sa pagkakataong ito ay hinarap na siya ni Leo. Ngunit halos kalahati ng pagkatao ni Leo ay nakain na ng Dragon, kaya hindi ko na napigil ang sarili ko ginawa ko na mismo ang hinabilin ng iyong asawa. Ang kontrolin ang Dragon sa una nitong pagsigaw.” Sabi ni Wong. At biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Yuna. “Wo…wong, oras na para sabihin ang katotohanan.” Sabi ni Yuna.

Ipagpapatuloy…

Sasabihin na kaya ni Wong ang katotohanan? Ano paba ang ibang rebelasyon na ating masasaksihan! Abangan sa susunod na Kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[07:10]





That Guy

EDIT MEE. ;]]

Wanted

you wishlist here :D

My Musixx.


Music Playlist
Music Playlist at MixPod.com



ChitChat


Links

Jem =]
Hanaperos
Mobius Games
Chayd's Entry for Mu Blog Making Contest
Add me in Facebook

Credits

Designer:pearlynloves
Background: Photobucket

Archives

By post:
Kabanata XXX - Ang Pagbabago - Unang Parte
Kabanata XXIX - Ang Katotohanan - Ika-apat na Parte
Kabanata XXVIII – Ang Katotohanan – Ikatlong Parte
Kabanata XXVIII –Ang Katotohanan – Ikalawang Parte
Kabanata XXVII – Ang Katotohanan – Unang Parte
Kabanata XXVI - Ang Simbolo - Part II
Kabanata XXV - Ang Dragon - Part I
Kabanata XXIV - Ang Pagtutuos - Ika-apat na Parte
Kabanata XXIII - Ang pagtutuos - Ikatlong Parte
Kabanata XXII - Ang Pagtutuos - Part II


By month:
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
March 2010