<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6621115091721012912\x26blogName\x3dTadhana\x27t+Kamatayan\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ddxstory.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_GB\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ddxstory.blogspot.com/\x26vt\x3d-7034186843995932076', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Wednesday, 25 November 2009blogger

Kabanata XXVI – Ang Simbolo – Part II

“Heto na ba ang bagong salin na dragon?” tanong ng lalaking may hiwa sa kanang mata. Ano kaya ang kaugnayan ng lalaking may hiwa sa kanang mata kay Leo? “LEOOO!” sigaw ni Z. “Kuya!” dugtong niya. “Leoo!” alala ni Aqua. “Hetong sayo!!!” sigaw ni Leo. Bago pa magkadikit ang kamao ng dalawang bata ay. “Sen Pat Su! Binaliktad na Seal ng Dragon” “Ano!” sigaw ni Mitoshi. “Bumaba ka dyan Leo!” sigaw ni Wong at hinugot ang tungkod sa pagkakabaon at umilaw ito. Napatingin si Leo kay Wong at biglang bumagsak kaya ang suntok ni Ralph ay hindi tumama. “Paano!” pagtataka ng lahat. “Wala ng saysay ang panonood dito.” Sabi ng Lalaking may hiwa sa kanang mata at umalis. “Paano nya nagawa yun Z!” gulat na sabi ni Monica. “Sa unang pagsibol ng Dragon, kayang kontrolin ni Kuya ang Dragon. Sapagkat bago mamatay ang ama ni Leo ay may isang mahikang nilagay sa tungkod ni Kuya na makakakontrol sa unang pagsigaw ng Dragon.” Eksplika ni Z. “Ang nanalo sa laban ay… tabla!” Nagulat ang lahat sa resulta ng laban. Si Leo naman ay parang isang bumagsak na bulalakaw sa arena at walang malay walang saplot sa itaas. Agad agad pinuntahan ni Wong para siya ay buhatin kasama ang iba pa niyang kaibigan. “Kainis! Isa kang malaking BOBO RALPH!” sigaw ni Mitoshi. Si Ralph naman ay walang malay at halos lamunin ng itim na marka ng Demonyo. “Leo! Leo!” paiyak na sabi ni Aqua. “Master, ano nangyari kay Leo! Bakit ganoon ang nangyari?” tanong ni Drake. “Oras na, Dumating na ang oras…” sabi ni Wong

Ipagapapatuloy
Napigilan ang pagwawala ng Dragon.. at ano kaya ang sinasabi ni Wong? Abangan sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[05:32]

Thursday, 19 November 2009blogger

Kabanata XXV – Ang Dragon – Part I

“Hindi LEOOOOOOO!” Sigaw ng lahat. Biglang sinalakay ng Dragon ng kamatayan si Leo. “UUUUUUH!!!” matinding inda niya. Nagulat ang lahat, malalaking pagsabog ang nakita, nabalot ng malaking usok ang arena. “Hindi Leo!” sigaw ni Wong. “Tapos na ang laban. Panalo kame!” sigaw ni Mitoshi. “Hindi pa tapos ang laban Mitoshi!” sigaw ni Z. “Isa!” “Paano mo nasabi Z? Eh ni hindi na makita kulay ng manok ng kuya mo eh!” sigaw ni Mitoshi. “Makikita mo.” Sabat ni Wong. “Dalawa!” At biglang naglaho ang makapal na usok at lahat ay nagulat sa nakita nila. “LEO!” sigaw ni Aqua. Buhay si Leo! Naka luhod siya at ang kanyang mga kamao ay nakabaon sa lupa, at wala na ang kanyang damit pang itaas ngunit.. “Ang marka!” sigaw ni Wong. “Imposible!” sigaw ni Mitoshi. “Nagpakita na ang marka ng Dragon ng Kapayapaan.” Sigaw ni Z. “Nabuhay na siya.” Bulong ni Wong. “Ano iyon master?” tanong ni Kyo. “Ano na master Mitoshi?” sabi ni Ralph. “Hintayin mo ang hudyat ko.” Sabi ni Mitoshi. Itim na marka na hugis ulo ng Dragon ang nasa dibdib ni Leo, at nagsimulang magliyab ang kanyang katawan. Habang nasa alupahap si Ralph ay biglang nagsalita si Leo. “Oras na… Ako naman..” animoy hindi si Leo ang nagsalita dahil napakalaki ng boses. Tumayo si Leo at biglang nagbabago ang kanyang anyo, onti onting nagkakaliskis ang kanyang kalahating katawan, nagiba ang kanyang mga paa animoy paa ng dragon, humaba ang mga kuko at lumabas ang maliit na pakpak sa likod. “Kuya! Ang dragon!” sigaw ni Z. “Ralph sugurin mo na! Isa pang Lex Divi Ra ngunit isanib mo sa kamao mo!” utos ni Mitoshi. Isang bolang apoy ang pumalibot sa kamao ni Leo wari’y gagawin na niya ang kanyang pagatake! “Aatake na si Leo kuya!” sigaw ni Z. “Ihanda mo ang espada mo Z.” sigaw ni Wong at itinusok ang tungkod sa lupa. Naglabas ng kapirasong papel at animoy may gagawing kapangyarihan. Tuluyan ng nagliyab si Leo! “Ako naman ang tatapos!!” sigaw ni Leo at lumipad paitaas. “Lex Divi Ra!” sigaw ni Ralph at sinalubong si Leo. Animoy dalawang bulalakaw ang mag sasalpukan!

Ipagpapatuloy…

Lumabas na ang marka ng Dragon at kinain ang kalahating pagkatao ni Leo. Ano kaya ang mangyayari? Sino ang matatalo? Abangan sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[08:56]

Thursday, 12 November 2009blogger

Kabanata XXIV – Ang Pagtutuos – Part IV

Sa pagsugod ni Ralph ay gumamit siya ng ikatlong kapangyarihan, “Pagpapadami!” Naging lima siya, at hindi na nakatakbo si Leo. Wala na siyang nagawa kung di saluhin ito. “LEOOOO!” SIgaw ng lahat. “UUuuuuh!” sigaw ni Leo habang sinasangga ng kanyang kamay ang suntok ni Ralph habang siya ay palayo ng palayo dahil sa pwersa ng lakas ng suntok ni Ralph. “Leo, tumayo ka.” Iyak na sabi ni Aqua. “Wala ng laban ang manok niyo. Ralph tapusin mo na!” sigaw ni Mitoshi. “Delikado na ang lagay ni Leo. Z, ihanda mo ang espada mo.” Sigaw ni Wong. “Bakit kuya?” tanong ni Z. “Ihanda mo nalang.” Dugtong ni Wong. “Tatapusin ko na!” Sigaw ni Ralph at lumayo. “Ten, shin pa… Lex Divi Ra!” “Hinde!” sigaw ng lahat. “Wala ka talagang puso Mitoshi!!” sigaw ni Wong. “Diyan kalang Wong, oras na gumamit ka ng kapangyarihan mas mauuna ang bata mo.” Sabi ni Mitoshi. “Nawala na sa pagkatao si Mitoshi.” Sabi ng lalaking may hiwa sa kanang mata. Nabalot ng itim na kapangyarihan si Ralph, at mabilisang tumakbo patungo kay Leo. “Uhh!” sigaw ni Leo, hinawakan niya si Leo ng mahigpit at tumalon ng mataas. Lahat ng manunuod ay natatakot sa mangyayari. “Sa ngayon tinatawagan ko ang dragon ng kamatayan! Na si Lexus Divire Ramo” sigaw ni Ralph at nagitim ang paligid. Onting-onti pang nawawalan ng lakas si Leo. Halata na sa muka niya ang pagkahina. “Kuya, pag tumama ang Lex Divi Ra kay Leo ay mamamatay siya.” Sigaw ni Z. “Heto na!!!” Sigaw ni Ralph. Biglang binitawan ni Ralph si Leo at biglang inatake ng Dragon si Leo. “Uhhh!” isang malakas na inda mula kay Leo. “Hindi!! LeoO!” Sigaw ng lahat.

Ipagpapatuloy…

Nagamit na ni Ralph ang lahat ng kapangyarihan niya, at ang kanyang alas ang Lex Divi Ra. Kamatayan na nga ba ito ng ating bida? Abangan ang mga susunod na pangyayari sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[11:08]

blogger

Kabanata XIII – Ang pagtutuos – Part III

“Dragon Assault!” “Leo ilagan mo!” sigaw ng lahat. Napakabilis ng mga pangyayari, ngunit nagmintis ang unang sapak ni Ralph at naging daan ito sa Dragon Assault ito ni Leo. “Ralph, isa pa!” sigaw ni Mitoshi. Ngunit bawat Segundo ay hindi pinalagpas ni Leo, kaya suntok siya ng suntok habang gamit niya ang Dragon Assault. “Monica, magbantay ka. Maaring madami pang plano si Mitoshi at nariyan lang ang kanyang mga asungot.” Utos ni Z at lumibot na si Monica. “Uhh!” inda ni Ralph sa huling suntok ni Leo. Biglang napatingin si Leo sa isang lalaki, at yun muli ang lalaking may hiwa sa kanang mata. “Siya na naman muli, at masama ang tingin niya sa akin.” Sabi ni Leo at biglang “Leo!” sigaw ni Wong. “Heto na sayo!” sigaw ni Ralph. “UHHHHH!” sakto ang suntok ni Ralph sa sikmura ni Leo habang nakatingin sa lalaki. Nagiwan ng malaking marka sa sikmura ni Leo ang suntok ni Ralph. “Nayari na.” sabi ni Wong. “Leo kaya mo yan!” Sigaw ni Aqua at napatingin si Leo kay Aqua. “Ralph, tapusin mo na yan.” Sabi ni Mitoshi. “Heto naba ang kapangyarihan ng dragon.” Tanong ng lalaking may marka sa kanang mata sa sarili niya. Dali-dalian namang sumugod si Monica kay Z. “Z, ang lalaking may hiwa sa kanang mata ay muling nagpakita.” “Ano kaya ang pakay ng lalaking ito, lagi nalang siya nagpapakita tuwing may laban si Leo.” Sabi ni Z. “Kaya mo paba Leo?” tanong ni Ralph ng may masamang tingin. “Oo naman” hinihingal na sabi ni Leo. “Makakatagal pa kaya si Leo master?” tanong ni Kyo. “Magtiwala tayo.” Sabi ni Wong. “Heto na ako!” muling nagliyab ang mga kamay ni Ralph at sinugod si Leo..

Ipagpapatuloy…

Mukang matatalo na si Leo? Nagkakadayaan na sa labanan at sino nga ba ang lalaking may hiwa sa kanang mata. Abangan sa susunod na kabanat ng Tadhana’t Kamatayan
[11:07]

Friday, 6 November 2009blogger

Kabanata XXII – Ang pagtutuos – Part II

“Magtiwala nalang tayo sa kanya” “Kaya mo paba Leo?” tanong ni Ralph ng may mabangis na tingin kay Leo. “Oo naman.” Sagot ni Leo. Biglang pinuwesto ni Leo ang kanyang paa at kamay. “Dragon Assault!” Nagulat ang lahat ng biglang ginamit ni Leo ang istilong iyon. “Ginawa na niya.” Sabi ni Wong. “Itinuro ni Wong sa bata ang istilong inimbento ng ama niya.” Sabi ni Mitoshi. Animo’y parang hangin ang mga galawa ng paa at kamay ni Leo ng biglang. “Hiyah.” Sigaw ni Leo at sumugod na. Napakabilis ng galaw ni Leo, animo’y sinsayawan niya si Ralph. “Uhh! Ang hirap niyang ilagan. Napakabilis niya!” sabi ni Ralph. Dirediretso ang pagatake ni Leo, sa sobrang bilis niya hindi talaga mailagan ito ni Ralph. “UHh! uHh! Uhh!” inda ni Ralph. “Hindi ko inisip na magiging ganito kabilis si Leo!” manghang sabi ni Wong. “Peste! Ralph tumalon ka sa itaas.” Utos ni Mitoshi. Tumalon agad si Ralph sa itaas ngunit andoon rin si Leo at sinuntok siya pababa! BOOOM! “Kaya mo paba?” tanong ni Leo. “Peste ka. Sayaw ng Demonyo.” Ikinumpas ni Ralph ang kanyang kamay at pumwesto. Nagulat ang lahat sa pag gamit ni Ralph ng kapangyarihang iyon. “Nawawala na, nawawala na ang lakas ko.” Bulong ng lalaking nakaputi sa sarili. “Alam ko magkikita pa kami ni Kamahas.” Dugtong niya. “Patay na! Isang pinagbabawal na kapangyarihan. Z!” sigaw ni Wong. “Kuya, kahit ako hindi ko inisip na gagawin ni Mitoshi ito.” Sabi ni Z. “Magsama kayong magkapatid na BOBO! Basta lahat ay gagawin ko para manalo!” sigaw ni Mitoshi. “Heto na ako!” Sigaw ni Ralph. Nagliliyab ang kamay ni Ralph dahil sa kapangyarihang ginamit niya. At isang suntok niya lang kay Leo ay siguradong mawawasak ang pagmumuka niya. “Anong gagawin ko!” bulong ni Leo sa sarili. “Dragon Assault!”
Ipagpapatuloy..

Nagkakagulo na sila. Napakalakas ng mga pinagbabawal na kapangyarihan ni Ralph. Makaya pa kaya ni Leo ang mga susunod na mangyayari? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[10:20]

blogger

Kabanata XXI – Ang pagtutuos – Part I

“Magsisimula na ang labanang, Leo at Ralph!”. Umakyat ang dalawang kalahok sa steydyum ng mapayapa at nagsisigawan ang mga manunuod. Halos nahati ang mga manunuod sa dalawa, ang kalahati ay pumapanig sa kupunan nila Leo at kay Ralph naman ang natirang kalahati. “Naghanda kaba Leo? Dahil baka hindi mo kayanin ang mga susunod na kaganapan.” Angas na sabi ni Ralph. “Ang alam ko lang ay may tiwala ako sa sarili kong kakayahan at sa aking maestro.” Sagot ni Leo. “Simulan na!” Sa paghudyat ng anawnser ay nagsigawan ang lahat ng manunuod. Handa ng lumaban si Leo at si Ralph naman ay handa narin. “Sen shin wa.” Sabi ni Ralph. “Heto na ako!” dugtong niya habang papunta kay Leo para atakihin. Iniilagan lahat ni Leo ang sapak ni Ralph, ngunit biglang. “Heto na!” Nagkaroon ng anino ang kanyang pag suntok, ang akala ni Leo ay sasapakin siya sa kanang muka niya pero sa tiyan niya pala. “Uhhh!” inda ni Leo. “Isang kapangyarihan gamit ang anino.” Sabi ni Wong. “Tingnan niyo ang kamay ni Ralph!” sabi ni Aqua. May itim na mahika na bumabalot sa parehas na kamay ni Ralph. “Ralph, gawin mo na.” utos ni Mitoshi. “May binabalak silang masama!” sabi ni Wong. “Leo mag-ingat ka!” dugtong niya. Umatake muli si Ralph, ngunit bawat suntok niya ay nagiiwan ng itim na anino. Isang sinyales ng kapangyarihan ng isang demonyo. “Ano to!” pagtataka ni Leo. “Kapangyarihan ng demonyo to, heto saluhin mo ang suntok ko.” Sigaw ni Ralph. At muli gumamit na naman siya ng kapangyarihan ng anino. Ngunit ngayon ay nasalag ito ni Leo ngunit nagiwan ng malaking pasa sa kanyang braso. “Uhhh!” inda niya. “Marka ng demonyo! Hindi maari ito.” Sabi ni Wong. “Ano iyon master?” tanong ni Kyo. “Ang marka ng demonyo ay isang kapangyarihan kung saan, ang daloy ng dugo sa mga ugat ng isang tao ay may bahid ng itim na kapangyarihan. Kaya siya ay lalong lumalakas.” Sagot ni Wong. “Baka matalo si Leo master.” Sabi ni Drake. “Manalig kayo kay Leo. Magtiwala nalang tayo sa kanya.” Sabi ni Wong.

Ipagpapatuloy..

Mukang dehado si Leo sa laban nila Ralph. Abangan nalang natin ang mga susunod na pangyayari sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[10:19]





That Guy

EDIT MEE. ;]]

Wanted

you wishlist here :D

My Musixx.


Music Playlist
Music Playlist at MixPod.com



ChitChat


Links

Jem =]
Hanaperos
Mobius Games
Chayd's Entry for Mu Blog Making Contest
Add me in Facebook

Credits

Designer:pearlynloves
Background: Photobucket

Archives

By post:
Kabanata XXX - Ang Pagbabago - Unang Parte
Kabanata XXIX - Ang Katotohanan - Ika-apat na Parte
Kabanata XXVIII – Ang Katotohanan – Ikatlong Parte
Kabanata XXVIII –Ang Katotohanan – Ikalawang Parte
Kabanata XXVII – Ang Katotohanan – Unang Parte
Kabanata XXVI - Ang Simbolo - Part II
Kabanata XXV - Ang Dragon - Part I
Kabanata XXIV - Ang Pagtutuos - Ika-apat na Parte
Kabanata XXIII - Ang pagtutuos - Ikatlong Parte
Kabanata XXII - Ang Pagtutuos - Part II


By month:
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
March 2010