<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6621115091721012912\x26blogName\x3dTadhana\x27t+Kamatayan\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ddxstory.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_GB\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ddxstory.blogspot.com/\x26vt\x3d-7034186843995932076', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Thursday, 29 October 2009blogger

Chapter XX – Panganib – Sino nga ba siya – Part II

“Tumatagos na apoy!” Nagulat si Yuna ng narinig niya yun. “Mahal ko!” sigaw ni Yuna. “Uhh!” inda ni Illipia. Isang lalaking nakaputi at nakamaskara rin. Napakabilis niyang kumilos, animoy parang isang hangin pero may apoy siyang kapangyarihan. “Paglamon ng tubig!” Biglang nagkatsunami sa likod ni Illipia. “Hindi!” “Insta Shi To! Baluti ng Latigo” sigaw ni Illipia at napaibabaw siya sa tubig. “Sino ito, bakit ganito ang kapangyarihan niya.” Pagtataka ni Yuna. “Sino ka man papatayin kita! Limang atake ng latigo!” “Baluti ng Bato!” Nasalag ng mga malalaking bato ang atake ni Illipia. “Apat!” sigaw ni Illipia. “Babae, tumakbo kana.” Sabi ng lalaking naka kulay puti. “Kung sino ka man maraming salamat.” Sabi ni Yuna habang papalayo. “Kainis ka! Limang atake ng latigo” “Kamandag ng itim na ahas!”. “Huh” pagtataka muli ni Illipia. Nagpakita nga muli si Kamahas. Nailagan ng lalaking nakaputi ang mga ahas ni Kamahas. “Parehas ng maskara ni Panginoon.” Sabi ni Illipia sa sarili. “Bubwit, umalis kana hindi mo kakayanin to.” Sabi ni Kamahas. “Kung sino kaman, hindi kita pasasalamatan!” sabi ni Illipia habang papalayo. “Magaling magaling, nailigan mo ang aking mga ahas ngunit ito kaya? Pinagbabawal na kapangyarihan ng Ahas! Dugo sa Dugo! Ang pag-atake ng kaluluwa ng kinulong na ahas!” sigaw ni Kamahas at tinusok nya ang pulso niya sa kamay. Tuloy tuloy ang daloy ng dugo niya at biglang humaba ang kanyang mga kuko sa hintuturo at sa gitnang daliri, at biglang nagbalat ahas ang kalahati niyang katawan. “Hetong sayo!” atake ni kamahas. “Otnemom Shin Tai Kwah!” Biglang napahinto sa pag-atake si Kamahas. “Ano ito! Umiikot ang apat na elemento sa kanyang dibdib.” Gulat ni Kamahas. “Hetong sayo!” sigaw ng lalaking nakaputi. BOOOOOM! “UHhh.. Kailangan ko ng maka-alis.” Bulong ni Kamahas. “Illusyon ng ahas!” biglang nagkaroo ng karibal si Kamahas at nagpaputok siya ng usok. “Nasaan na siya?” pagtataka ng lalaking nakaputi. “Magsisimula na ang labanang, Leo at Ralph!” “Leo, pagbutihin mo, sa iyong kamay nakasalalay ang pagkapanalo natin.” Paalala ni Wong.

Ipagpapatuloy..

Madaming rebelasyon na ang nabubunyag! Sino nga ba talaga sila? At nagsimula na ang laban ni Leo. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[08:07]

Thursday, 22 October 2009blogger

Chapter XIX – Panganib – Sino nga ba siya – Part I

Sa templo ni Demoniko. “Jyonu kapatid.” Bati ni Xinz. “Ano iyon kuya?” sabi ni Xinz. “Pumasok ako kanina sa kwarto ni Demoniko. At hubad niya ang kanyang maskara. Halos kamuka mo siya. At mayroon pa eh! Nalimot ko kung ano nakita ko.” Sabi ni Xinz. “Edi ang gwapo niya? Kamuka ko kamo eh” sabi ni Jyonu. “Haha ikaw talaga. Sino ba talaga siya?” Sabi ni Xinz. “Hoy kayong dalawa.” Sigaw ni Yana ng may hawak na itim na bulaklak. “Ano kailangan mo Yana?” tanong ni Xinz. “Nandoon si Illipia naghahasa ng latigo.” Sabi ni Yana. “Ano meron sa latigo? Hinahasa ba iyon? Baka itong mahal kong espada ang kailangan niyang hasain.” Sabi ni Xinz. “Yun nga punto ko!” sabi ni Yana na parang napahiya. “Haha, siya sige maiwan ko na kayo puntahan ko si Illipia.” Sabi ni Xinz. Biglang tinanggal ni Jyonu ang kanyang damit. “Jyonu ano yang marka sa pusod mo?” tanong ni Yana. “Wala yan balat lang yan.” Sabi ni Jyonu. “Hoy peste ka Yana! Wala naman si Illipia dito eh.” Sigaw ni Xinz at nagpalabas ng mga lobong nagliliyab para kagatin si Yana. “BULAGA!” Biglang nagulat si Yuna at napahiga sa lupa. “Hello, Yuna. Kamusta ka!” bati ni Illipia. “Patay. Hindi ko dala ang bulaklak.” Bulong ni Yuna sa kanyang sarili. “Parang may iniisip ka Yuna? Aba! Wala ang bulaklak sa iyong tenga.” Sabi ni Illipia. “Aba teka, ano yang hawak mong bulaklak?” dugtong niya at napahinto siya sa pagsasalita. At sinabi sa sarili. “Parehas ng bulaklak ni Yana! Ngunit iba ang kulay.” Sabi ni Illipia. “Kagandahan ng Bulaklak!” Biglang napalibutan ng mga bulaklak si Illipia. “Peste!” “Limang atake ng latigo!” mabilis na gumalaw ang latigo ni Illipia at nasira ang mga bulaklak. Mabilis tumakbo papalayo si Yuna, dahil hindi niya dala ang bulaklak ng Kayumilah. “Takbo babae, takbo! Huwag kang papahabol sakin gagawin kitang manok!” sigaw ni Illipia. “Pagpaparami!” biglang dumami si Illipia, animoy mayroon siyang isang daang kambal. “Anong gagawin ko” tanong ni Yuna sa Sarili. “Tumatagos na apoy!”

Ipagpapatuloy…

Madaming bagay na ang nabubunyag! Abangan nalang natin ang iba pang rebelasyon sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[11:15]

Thursday, 15 October 2009blogger

Chapter XVIII – Ang Paligsahan – Ang Hangin

“Aero, huwag ka papahawak sa kanya. Napakalakas ng kamao ni Rinoa.” Sabi ni Wong. Habang si Drake naman ay ginagamot. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Matagal narin, hindi ko nagamit ang aking mga mata. Matagal ng inukit sa aking tadhana.” Sabi ni Demoniko. “Na ang buhay mo ay dapat sumunod sa yapak ni ama.” Isang boses na narining. “Sino yan?” pagtataka ni Demoniko. “Hindi mo man ako nakikita, alam ko kilala mo ako Demoniko. Sa takdang panahon sisikat muli ang ating angkan, ibabalik ang ginusto ng ating ama.” Dugtong ng misteryosong boses. “Naiintindihan ko.” Sabi ni Demoniko at hinubad ang maskara. “Ang matang ito” ng biglang. “Panginoon!” bati ni Xinz. “Naparito ka Xinz.” Sabi ni Demoniko. “Patawarin nyoko panginoon, mukang na-abala ko kayo. Nais ko lang malaman niyo na nagsimula na ang labanan ng mga estudyante ni Mitoshi at Wong.” Sabi ni Xinz. “Sige, salamat sa balita makakaalis kana.” Sabi ni Demoniko at agad agad umalis si Xinz. Isinuot agad ni Demoniko ang kanyang maskara at umalis sa templo. Sa paligsahan. “Simulan na!” Agresibo si Rinoa at gustong mahawakan si Aero para matapos agad ang laban. Ngunit may napansin si Z. “Onti-onti ng lumalabas ang kapangyarihan ni Aero. Napakabilis niya umilag.” “May tiwala ako sayo Aero!” sigaw ni Wong. “Rinoa, ngayon na! Tumalon kana” utos ni Mitoshi. “Ano kaya ang gagawin niya.” Bulong ni Wong at napabaling kay Mitoshi. Tumalon ng mataas si Rinoa, animoy hindi Makita dahil sa sinag ng araw. Biglang, BOOM! “Rinoa!” sigaw ni Ralph. Nasira ang arena, bumagsak si Rinoa mula sa itaas para malinlang si Aero. “Wala ako Makita!” sabi ni Aero. Walang makita si Aero dahil sa kapal ng usok dulot ng ginawa ni Rinoa. Isang mabilis na atake ang ginaw ani Rinoa, kaliwat kanang suntok at sipa. “Uhh!” inda ni Aero. “Aero magingat ka!” sigaw ni Leo. Ng biglang napalibutan ng hangin ang dalawa. “Ano to!” sigaw ng lahat. “Ang simbolo ng hangin!” sabi ni Wong. “Nabuhay na isa isa ang mga elemento.” Dugtong niya. Tila nabaliktad ata ang mundo, yamado na si Aero. Binabanatan nya na si Rinoa hanggang bumagsak. “Hindi maari!” sigaw ni Mitoshi. “Ang nanalo ay si Aero!” Sigawan ang lahat sa tuwa dahil nanalo na sila, at table na ang skor. Si Leo nalang ang natitirang kalahok at si Ralph. “Magaling Aero!” bati ng lahat. “Mitoshi, wala ka talagang silbi Rinoa! Si Ralph nalang ang huling alas para manalo tayo dito.” Sabi ni Mitoshi. Sa kabilang ibayo. Si Yuna ay naglalakad sa kagubatan para mamitas ng bulaklak ng kagandahan para gawing dekorasyon para sa darating na pista. Ng biglang may kumakaluskos sa damuhan. “BULAGA!”

Ipagpapatuloy…

Sino kaya ang kumausap kay Demoniko? Kaano ano niya ito? May pag-asa paba manalo sila Leo sa labanan at ano ang masamang banta kay Yuna? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Deat h X!
[10:57]

Thursday, 8 October 2009blogger

Chapter XVII – Ang Paligsahan – Part IV

Kinaumagahan, araw ng labanan na hinihintay ng grupo nila Leo. Nagtungo agad sila sa lugar ng paglalabanan, sa templo ng Des Al Ay. Nagtagpo tagpo ang limang skwelahan mula sa ibat ibang lugar. “Master, salamat po talaga sa mga turo nyo sa amin.” Sabi ni Leo. “Wala yun Leo.” Sabi ni Wong. “Kaya natin to mga kaibigan!” sigaw ni Kyo. Nang biglang dumating ang grupo nila Mitoshi. “Hindi pa tayo tapos Wong.” Sabi ni Mitoshi. Nakatingin ng masama ang mga estudyante ni Mitoshi kila Leo. “Sino po sila master?” tanong ni Aqua. “Hayaan niyo na sila. Halina kayo.” Sabi ni Wong. Tumayo na si Z sa gitna sa tuktok ng templo, tila magsisimula na ang labanan. “Magsisimula na ang labanan!” sigaw ni Z. Nagsimula na ang paligsahan. Makalipas ng Ilang oras, pagod na pagod sila Leo pero sila ay para sa finals na. Ang makakatalaban nila sa finals ay ang grupo nila Mitoshi. “Leo, magiingat ka sa mga estudyante ni Mitoshi.” Bulong ni Wong. “Ralph, alam mo na gagawin mo.” Sabi ni Mitoshi. “Opo Master.” “Magsisimula na ang labanan ng grupo nila Leo at Ralph! Unang sasabak, Drake at Lei.” Sabi ng referee. Si Lei ay bihasa sa pag-gamit ng kadena, at si Drake at pawang suntok at sipa lamang. “Ikaw ba ang makakalaban ko? Tama nga ang aking guro, pawang mahihina kayo.” Sabi ni Lei. “Huwag mokong minamaliit!” galit ni Drake. “Lei, tapusin mo na yan” sabi ni Mitoshi. “Shin get su! Baluti ng Kadena!” “Drake, ilagan mo ang mga kadena niya.” Sabi ni Wong. “Hetong sayo!” sigaw ni Lei. At biglang naglabasan ang mga kadena sa katawan ni Lei. Sinasalag naman ito ni Drake, ngunit nagkasugatsugat na ang kanyang mga braso. “uhh!” Inda ni Drake. “Katapusan mo na!” sabi ni Lei. Biglang sinuntok ni Lei sa tiyan si Drake at biglang pinuluputan ng kadena. “UHh!” “Z! Akala ko bawal ang mga kapangyarihan sa labanang ito.” Sigaw ni Wong. “Nagkakamali ka Wong, Pwede gumamit Pwede! Wahaha” sigaw ni Mitoshi. “Magsaya kana dahi mananalo ka ng hindi patas.” Sabi ni Wong. BOOM! “Hindi!” sigaw ng lahat. Biglang bumagsak sa lupa si Drake at umusok ang buong paligid. “Panalo ako.” Sabi ni Lei. Natalo si Drake. Oras na para si Aero ang lumaban, laban kay Rinoa.

Ipagpapatuloy….

May pag-asa kayang manalo ang grupo nila Leo? Ngayon na alam na nilang pwedeng gumamit ng kapangyarihan. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[07:05]

Friday, 2 October 2009blogger

Chapter XVI – Ang Paligsahan – Part III

Dalidaliang dinala ni Monica si Wong kay Z para matingnan. “Z!!” sabi ni Monica. “Ano iyon Monica bat nagmamadali ka. Huh! Kuya!” sabi ni Z ng may gulat. “Z.. tatatawagin mo si Yuna..” Sabi ni Wong. Agad agarang tinawag ni Z si Yuna. “Yuna!” sigaw ni Z. “Tito Z, nariyan pop ala kayo.” Sabi ni Leo. “Nasan ang ina mo?” tanong ni Z. “Umalis po siya eh.” Sabi ni Leo. Biglang dumating si Yuna. “Oh Z, bat narito ka?” tanong ni Z. “Yuna, kailangan ka ni Wong. Nag aagaw-buhay na siya.” Sabi ni Z. “Saglit, Leo matira ka dito pupuntahan ko lang si Wong.” Sabi ni Yuna. Umalis agad sila Z at Yuna, samantala naiwan naman si Leo. “Ano kaya ang nangyari kay Master Wong.” Bulong ni Leo sa sarili. Sa kaharian naman ni Demoniko. Dumating si Mitoshi na duguan tulad ni Wong. “Uhh,” inda ni Mitoshi. “Anong nangyari sayo Mitoshi?” tanong ni Xinz. “Nakipaglaban ako kay Wong. Nasaan si Demoniko.” Sabi ni Mitoshi. “Nasa loob halika.” Sabi ni Xinz at nagtungo sila sa kwarto ni Demoniko. “Oh Mitoshi.” Sabi ni Demoniko. “Pagalingin moko Demoniko. Uhh!” sabi ni Mitoshi. “Sino ba nakalaban mo ha?” tanong ni Demoniko. “Si, si Wong” sabi ni Mitoshi. “Sige papagalingin na kita sayang ang marka ng demonyo kung mamatay ka. Levid Leah!” Biglang gumaling si Wong. “Huhulaan ko, naglaban kayo ni Wong sa kweba ni Saisuki?” sabi ni Demoniko. “Oo tama ka. At may isang kamuka mo ang nagpunta roon. Para patayin si Wong.” Sabi ni Mitoshi. Biglang napahinto si Demoniko. “At ang lalaking iyon ay hawak ang kapangyarihan ng itim na ahas.” Sabi ni Mitoshi. “Si Kamahas.” Bulong ni Demoniko sa Sarili. “Kilala mo ba siya?” tanong ni Mitoshi. “Hindi ko siya kilala.” Sabi ni Demoniko. “Kayong apat, hanapin niyo ang mga bulaklak ng demonyo.” Utos ni Demoniko at umalis na ang apat na mandirigma ng kadiliman. “Kuya, narito na kami!” sigaw ni Z. “Wong, anong nangyari sayo?” sabi ni Yuna. “Nakalaban namin si Kamahas at si Mitoshi.” Sabi ni Monica. “Bakit ganito kalala ang pinsala kay Wong?” tanong ni Yuna. “May isang lalaking naka maskara na ang kapangyarihan ay ahas ang biglang tumira kay Wong.” Sabi ni Monica. “Isang Amidara.” Sabi ni Yuna. “Paano mo nalaman?” tanong ni Monica. “Mahabang storya Monica, mamaya na namin ikwento sa iyo.” Sabi ni Z. “Lex Davana! The God’s Heal!”. Biglang lumiwanag ang paligid at lumutang ang katawan ni Wong. Biglang bumalik na ang lakas ni Wong. “Salamat Yuna.” Sabi ni Wong ng biglang nahimatay si Yuna. “Bakit siya hinimatay?” tanong ni Monica. “Ang Lex Davana ay isang pinagbabawal na kapangyarihan ginagamit ito sa pagpapagaling ng isang mandirigma na mag aagaw buhay na.” sabi ni Z. “Kailangan na namin maghanda. Bukas na ang laban nila Leo.” Sabi ni Wong.

Ipagpapatuloy..

Ano ang koneksyon ni Demoniko kay Kamahas? At magsisimula na ang laban ni Leo laban sa mga ibang skwelahan. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[04:19]

Thursday, 1 October 2009blogger

Chapter X – Paligsahan – Misteryo ng Kweba – Part III

“Kamandag ng itim na ahas!” Napalingon ang lahat kung sino ang taong gumamit ng kapangyarihang iyon. “Hindi maari!” sabi ni Mitoshi. Biglang natuklaw ng mga ahas si Wong. “Uhh, sino ka.” Sabi ni Wong. Isang lalaking naka maskara ang nagpakita. “Tawagin mo nalang ako sa bansag na, kamahas.” Sabi ni Kamahas. “Uhh!” inda ni Wong. Malakas ang paglabas ng dugo sa kanang braso ni Wong, kung saan siya natuklaw ng mga ahas ni Kamahas. Biglang papalayo na sila Mitoshi. “Hindi kayo makaka-alis!” sigaw ni Wong. “Huwag kanang pumalag Wong, malakas ang mga alaga kong ahas.” Sabi ni Kamahas. “Anong ginawa mo sa kanya! Galit ng Kidlat.” Sigaw ni Monica. “Panangga ng ahas.” Sabi ni Kamahas. Biglang pumulupot ang mga ahas sa kamay ni Kamahas at nagsilbing isang panangga sa kapangyarihan ni Monica. “Hindi maari, nailagan niya ang kapangyarihan ko.” Sabi ni Monica. Nakatayo parin si Wong, at hawak ang kanyang tungkod tila may gagawing huling alas. “Uhh, kung mawawalan man ako ng dugo mas magandang gawin ko na ito.” Sabi ni Wong at biglang naglabas ng kapirasong papel. “Ni-shin-to! Dragon ng Lupa!” sigaw ni Wong at umiinda sa sakit. Nagdilim ang kapaligiran at lumakas ang hangin. “Ano na naman ito Wong?” tanong ni Kamahas. “Tingnan mo nalang.” Sabi ni Wong. “Matagal ng hindi ginamit ni Wong ang dragon.” Sabi ni Mitoshi. Si Monica naman ay parang nawawalan narin ng lakas. “Mitoshi!” sigaw ni Monica habang hinahabol sila. “Mitoshi, makulit ka talagang babae ka. San-set-su!” sigaw ni Wong. Biglang napatigil si Monica at lumiwanag ang kanyang dibdib. “Ne-yu-shin-to-ni. Lightning Barrier!” sigaw ni Monica. “Ano to!” sigaw ni Mitoshi. “UHH!” dugtong niya. “Kung sino man ang tumira sa akin ay makukuryente. Ako naman! Galit ng kidlat!” sigaw ni Monica. Nang biglang. “Teleport!” Biglang naglaho sila Mitoshi. “Ngayon na!” sigaw ni Wong. At biglang lumabas ang dragon sa ilalim ni Kamahas. Tinangay ng dragon si Kamahas paitaas. “Uhh!” Biglang nalaglag ang maskara ni Kamahas. Lumipad si Wong paitaas para malaman kung sino si Kamahas ngunit huli na siya naglaho na ito. Bumagsak si Wong sa lupa ng wala ng malay. “Wong! Dadalhin na kita sa laboratoryo.” Dinala agad agad ni Moncia si Wong sa laboratory ni Z kahit parehas silang wala ng lakas.

Ipagpapatuloy…

Madaming masamang kaganapan ang nangyayari! Ano kaya ang mga susunod na pangyayari? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[10:05]





That Guy

EDIT MEE. ;]]

Wanted

you wishlist here :D

My Musixx.


Music Playlist
Music Playlist at MixPod.com



ChitChat


Links

Jem =]
Hanaperos
Mobius Games
Chayd's Entry for Mu Blog Making Contest
Add me in Facebook

Credits

Designer:pearlynloves
Background: Photobucket

Archives

By post:
Kabanata XXX - Ang Pagbabago - Unang Parte
Kabanata XXIX - Ang Katotohanan - Ika-apat na Parte
Kabanata XXVIII – Ang Katotohanan – Ikatlong Parte
Kabanata XXVIII –Ang Katotohanan – Ikalawang Parte
Kabanata XXVII – Ang Katotohanan – Unang Parte
Kabanata XXVI - Ang Simbolo - Part II
Kabanata XXV - Ang Dragon - Part I
Kabanata XXIV - Ang Pagtutuos - Ika-apat na Parte
Kabanata XXIII - Ang pagtutuos - Ikatlong Parte
Kabanata XXII - Ang Pagtutuos - Part II


By month:
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
March 2010