Thursday 24 September 2009blogger
Chapter XIV – Paligsahan – Misteryo ng Kweba – Part II“Nakakaramdam ako ng kapangyarihan ng kalaban.” Sabi ni Wong. Napatingin si Wong sa bukana ng kweba at nakita niya si Mitoshi. “Patay na, habol ni Mitoshi ang kapangyarihan ng nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan.” Sabi ni Wong. “Alam ko na, sumunod ka sakin Monica.” Dugtong niya. “Narito na tayo sa kweba kung saan tinago ni Saisuki, ang pinagbabawal na kapangyarihan ng dragon.” Sabi ni Mitoshi. “Nakakaramdam ako ng pwersa ni Wong.” Dugtong niya. “Parehas lang tayo ng naamoy Mitoshi.” Sabi ni Wong. Napatingin sa likod sila Mitoshi. “Haha, ikaw na naman. Marahil habol mo rin ang kapangyarihan ng dragon. Bakit kanino mo bibigay? Sa anak ni Saisuki? Ni hindi pa nga sumisigaw ang dragon.” Asar ni Mitoshi. “Magkakamatayan muna tayo Mitoshi, bago mo makuha ang kapangyarihan.” Sabi ni Wong. “Yan ba ang estudyante mo?” dugtong niya. “Oo, ako nga!” sigaw ni Ralph. “Tumakbo kana Ralph, ako ng bahala sa matandang to.” Sabi ni Mitoshi. “May saysay pa ba yang tungkod mo? Ay oo nga pala, ikaw ang bihasa sa pinagbabawal na kapangyarihan ng langit at lupa.”” Dugtong niya. “Simulan mo na Mitoshi tama na ang satsat.” Yaya ni Wong. “Kapangyarihan ng itim na espada” Biglang lumabas ang espada ni Mitoshi. “San-set-su! Sayaw ng itim na espada.” Biglang dumami ang espada sa paligid ni Wong. “Hindi ka parin nagbabago Mitoshi. Kapangyarihan ng lupa mapasa-akin ka. Hinagpis ng Lupa!” biglang nasira ang Lupa. “Magaling Wong, hindi ka parin kumukupas.” Sabi ni Mitoshi. “uhh.” Inda ni Wong. “Wong, walang talab ang Lupa sa akin ngayon, tandaan mo nasa akin ang marka ng Demonyo.” Sabi ni Mitoshi. Si Ralph naman ay patuloy sa pagtakbo, nang biglang. “Psst, bubwit. Halika rito.” Asar ni Monica. “Sino ka?” sabi ni Ralph. Biglang kinuha ni Monica si Ralph papalabas. “Heto na alaga mo. Kapangyarihan ng Kidlat mapasa-akin ka. Galit ng Kidlat. Binaliktad na mundo.” Sigaw ni Monica. “Huh?” pagtataka ng lahat. “Ngayon ko lang gagawin to, ngayon na!” sabi ni Monica. Biglang kumidlat sa buong paligid pero walang tumatama ng biglang. “UHHHHH!” inda ni Mitoshi. Tinamaan siya ng kidlat mula sa ilalim. “Wong, gawin mo na.” sabi ni Monica. Biglang pinapaikot ni Wong ang kanyang tungkod, lumalakas ang hangin sa buong paligid nasisira ang mga puno. “El-signa-le-nagis, Pagkasira ng Lupa!” sigaw ni Wong. “Paano? Paano ako tinablan at panibagong pinagbabawal na kapangyarihan.” Sabi ni Mitoshi habang dumudugo ang kanyang paa. “Huwag mo kasing mamaliitin ang kapangyarihan ng lupa. Tapos na to!” sabi ni Wong. “Hindi! Lex Divi Ra. Sayaw ng Demonyo.” Sigaw ni Ralph at sinugod si Wong. “Hindi mo mapapatay ang master ko.” Sigaw ni Ralph. “Huli na ang lahat.” Sabi ni Wong. Nasira na ang paligid gumuguho na ang mga puno. Walang epekto ang Lex Divi Ra kay Wong. “Tandaan mo walang tatalab na kapangyarihan sa akin, pag ginamit ko ang kapangyarihang ito. UHh!” sigaw ni Wong. “Wong, sadyang tanga kaba. Lahat ng kapangyarihan mo ay karugtong ng buhay mo!” sigaw ni Mitoshi. “Wong, sabihin mo na lahat. Gagawin ko ang lahat para mawala ang mga taong katulad mo.” Sabi ni Wong. BOOOM! Nasira na ang paligid. “Uhh.” Onti onti ng nararamdaman ni Wong ang sakit ng pag-gamit niya ng pinagbabawal na kapangyarihan. “Kamandag ng itim na ahas!”
Ipagpapatuloy..
Ano kaya ang mangyayari? Mamatay kaya si Mitosh iat si Wong. At ano naman ang Kamandag ng itim na ahas. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
01:05]
Thursday 17 September 2009blogger
Chapter XIII – Paligsahan – Misteryo ng kweba - Part I“Magaling Ralph.” Bati ni Mitoshi. “Salamat Master.” Sabi ni Ralph. Nang biglang may isang lalaking lumapit kay Mitoshi. “Mitoshi, pasok ang manok ni Wong.” “Magaling. Tara mga bata dumiretso tayo sa kaharian ni Demoniko.” Sabi ni Mitoshi. “Sino iyon master?” tanong ni Ralph. “Huwag mo ng itanong.” Sabi ni Mitoshi at dumiretso na sila sa kaharian ni Demoniko. “Leo, magsiuwi na muna kayo pupuntahan ko lang si Z.” utos ni Wong. “OK po.” Sabi ng lahat. Nagtungo si Wong kila Z, na tila kabang kaba sa bawat hakbang. “Z, kailan mangyayari ang labanan ng iba’t ibang skwelahan.” Tanong ni Wong. “Sa makalawa kuya.” Sabi ni Z. “Z! Z! May may..” hingal na sabi ni Monica. “Ano yun Monica?” sabi ni Z. “May nakakita sa Lex Divi Ra!” “Ano? Isang pinagbawal na kapangyarihan ang Lex Divi Ra.” Singit ni Wong. “San daw banda?” sabi ni Z. “Hindi ko alam eh. Ano ba iyon?” sabi ni Monica. “Ang Lex Divi Ra ay kilala bilang pagatake ng dragon ng kamatayan.” Sabi ni Wong. “Eh paano naging pinagbabawal na kapangyarihan ito?” sabi ni Monica. “Ang Lex Divi Ra, ay unang ginamit ng ama ni Saisuki. Inilagay niya sa isang scroll ang kapangyarihang ito. Dahil dati, ginagamitan ito ng dugo.” Sabi ni Z. “Z, masasamahan mo ba ako sa kweba?” sabi ni Wong. “Sang kweba kuya?” tanong ni Z. “Sa kweba kung saan itinago ni Saisuki ang scroll ng nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan.” Sagot ni Wong. “Si Monica nalang kuya, para magala gala naman yan” tawa ni Z. “Sige!” sabi ni Monica. Umalis sila Wong at nagtungo na sa kweba. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Panginoon, may dagang naghahanap sayo.” Sabi ni Xinz. “Huwag moko matawag tawa na daga!” sigaw ni Mitoshi. “Eh ano gusto mo? Ipis?” sabi ni Xinz at nagtawanan ang lahat. “Hetong sayo!” sigaw ni Mitoshi at biglang sinapak si Xinz. Kaso nasalag naman ito ni Xinz. “Huwag kang pikon” halakhak ni Xinz. “Ano pakay mo sa akin Mitoshi?” tanong ni Demoniko. “Panginoon mukang ipapaensayo sayo yung mga bubwit nya oh!” sabi ni Ilipia. Nagtawanan ang lahat. “Manahimik kayo, lumabas muna kayo.” Utos ni Demoniko. “Demoniko, naparito ako para hingin sayo ang mapa kung saan itinago ni Saisuki ang pinagbabawal na kapangyarihan ng dragon na apoy.” Sabi ni Mitoshi. “Hindi pwede magsama ang kapangyarihan ng demonyo at ang kapangyarihan ng apoy na dragon.” Sabi ni Demoniko. “Basta ibigay mo nalang sa akin” sabi ni Mitoshi. “Masyado kang mapusok Mitoshi. Tila gusto mo maging superyor ng lahat.” Sabi ni Demoniko. “Siya sige, sa kabundukan kung saan nakatirik ang bahay ni Wong sa dulo noon, naroon ang kweba kung saan nakatago ang kayamanan na kapangyarihan ni Saisuki” sabi ni Demoniko at tumawa. “Salamat.” Sabi ni Mitoshi. “Ngunit sa isang kondisyon.” Sabi ni Demoniko. “Ano iyon?” tanong ni Mitoshi. “Pag nakuha mo ang kapangyarihan ng nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan. Ay isosoli mo sa akin ang marka ng Demonyo.” Dugtong niya. Napaisip ng di-oras si Mitoshi. “Maiisahan ko naman to.” Sabi niya sa sarili. “Siya sige, magkakasundo tayo.” Sabi ni Mitshi at nilisan na ang kaharian. “Akala mo, maiisahan moko Mitoshi.” Sabi ni Demoniko sa sarili. Pinatawag ni Demoniko si Xinz. “Xinz, bantayan mo ulit ang kaharian. Aalis ako.” Sabi ni Demoniko at biglang naglaho. Papunta sila Mitoshi sa kweba kung saan patungo sila Wong. “Monica, sampulan mo nga ako ng kapangyarihan mo.” Sabi ni Wong. “Sige.” Sabi ni Monica. “Kapangyarihan ng kidlat mapasa akin ka! Bola ng kidlat!”. BOOM! “Ayos ah.” Sabi ni Wong. Nang biglang, “Monica hawakan moko!” dali-daliang hinawakan ni Monica si Wong. “Earth Disguise!”. “Nakakaramdam ako ng kapangyarihan ng kalaban.” Sabi ni Wong.
Patay na! Iisang kweba lang ang pupuntahan nila Mitoshi at Wong. Ano kaya ang mangyayari pag sila ay nagtagpo? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata na Destiny Death X!
[
05:14]
Friday 11 September 2009blogger
Chapter XII – Paligsahan – Part II“Simulan na ang laban!”. “Mizuki, handa kana ba?” sabi ni Leo. “Kanina pa!” sigaw ni Mizuki at bigla niyang sinugod si Leo. Iniilagan lang naman ni Leo ang mga atake ni Mizuki. “Kaya mo paba Mizuki?” asar ni Leo habang umiilag. “Hetong sayo” sigaw ni Mizuki. “Ako naman.” Sabi ni Leo at bigla niyang binigyan ng kaliwat kanang suntok si Mizuki. “Hiyah!”. “Uhh.” Inda ni Mizuki. “Mabilis ang galaw ng alaga ni Wong.” Sabi ng lalaking may hiwa sa kanang mata. BOOM! “Tapos na ang laban.” Sabi ni Kyo. Binilangan na ng tagapamahala ng laban si Mizuki. “Isa! Dalawa! Tatlo! Tapos na ang laban nanalo si Leo!”. Bumalik na si Leo sa kanilang lugar. “Magaling Leo.” Sabi ni Wong. “Nariyan po pala kayo master.” Sabi ni Leo. “Ikaw na susunod Drake! Galingan mo ha.” Dugtong niya. “Salamat” sabi ni Drake. Lumipas ang isang oras ng labanan. 4-1 ang skor, pabor sa grupo nila Leo. Pasok na sila Leo sa finals. “Ayos lang yan Aqua” sabi ni Leo. “Hehe, salamat Leo” sabi ni Aqua. “Diba yun yung lalaki sa peryahan?” sabi ni Kyo at itinuro ang lalaking may hiwa sa kanang mata. “Oo nga, kanina ko pa yan nakita tara lapitan natin.” Nilapitan nila Leo ang lugar kung saan nakatayo ang lalaki. “Asan na siya?” sabi ni Aero. “Hayaan niyo na iyon mga bata, tara bumalik na tayo sa bahay ko. Nilisan na nila ang skwelahan at nagtungo sa bahay ni Wong. “Magaling ang inyong pinakita mga bata.” Sabi ni Wong. “Siya po pala master, bat po tayo umalis? Eh diba po pasok na kami sa finals.” Sabi ni Kyo. “May naramdaman lang ako sa paligid kaya umalis tayo. Pero ayos narin to, makapagpapahinga kayo.” Sabi ni Wong. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Panginoon san kayo pumunta?” sabi ni Yana. “Bat ba ang kulit niyo? Sabing wag niyo nang alamin” galit na sabi ni Demoniko. “San kaya pumunta ang panginoon Xinz?” tanong ni Yana. “Ang kulit mo talaga eh no? Tsismoso kaba? Sakin kapa nagtanong kita mong buong araw ako nandito.” sigaw ni Xinz at umalis. “Haha, kulit mo kasi ayan nasigawan ka tuloy ng kuya ko” asar ni Jyonu. San kaya nagpunta si Demoniko? Mabalik tayo kila Wong. Lumipas ang tatlumpung minuto. “Tara mga bata oras na para sa finals” sabi ni Wong at nagtungo na sila sa skwelahan. Sa kabilang ibayo naman sa skwelahan nila Mitoshi. Grupo ni Ralph ang nakikipaglaban. “Ralph ngayon na” sigaw ni Mitoshi. “Ok! Lex Divi Ra!” sigaw ni Ralph at nagitim ang paligid. “Uhhh” sigaw ng kalaban ni Ralph. “Oras na para sa finals! Grupo nila Leo laban sa grupo nila Taiga.”. Biglang dumating si Z. “Ayun ang hurado ng labanan!” sigaw ni Aqua. “Si Z, ang kapatid ko.” Sabi ni Wong. “Ha?!” gulat na sabi ng lahat. “Kapatid niyo ang hurado master?” sabi ni Leo. “Oo, hindi ko lang sinabi sa inyo. Siya sige, pumunta na kayo sa arena.” Utos ni Wong. Nagsimula na ang laban. Unang lumaban ay si Drake, sumunod si Kyo, Aero at Aqua. Nahuli si Leo. 5-0 ang skor pabor kila Leo. “At ang nanalo at magrereprisinta sa ating skwelahan ay ang grupo nila Leo!”. Umalis si Z, tila nagmasid lang. “Magaling mga bata, congrats!” sabi ni Wong. “Salamat master, nanalo kami dahil sa inyo!”.
Nanalo sila Leo at makakalaban na nila ang ibang mga skwelahan sa iba’t ibang lugar. Ano kaya ang Lex Divi Ra? Abangan nalang natin sa mga susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
07:01]
Thursday 3 September 2009blogger
Chapter XI – Paligsahan – Part I“Ituturo ko sayo ang Dragon Assault” sabi ni Wong. “Ano po iyon master?” sabi ni Leo. “Itinuring ang Dragon Assault na sayaw ng dragon sa kamatayan, dahil mahirap ito kabisahin at palakasin.” Sabi ni Wong. Sa bahay naman ni Mitoshi, ay ineensayo niya si Ralph, Rinoa at Lei. “Ralph, naituro ko na sayo ang dalawang pinagbabawal na kapangyarihan. Ang Lex Divi Ra, at ang Sayaw ng Demonyo.” Sabi ni Mitoshi. “Paano kami master?” sabi ng dalawa pa. “Tama na ang ensayo ko sa inyo.” Sabi ni Mitoshi. “Leo, may tiwala ako sayo, kaya ituturo ko sayo ang Dragon Assault.” Sabi ni Wong. “Sige master hindi ko kayo bibiguin.” Sabi ni Leo. Umabot ng tatlong oras ang pagtuturo ni Wong kay Leo ng Dragon Assault, napakahirap talaga ito ituro. “Ha, ha, ha” hingal na hingal silang dalawa. “Naituro ko na kay Leo ang Dragon Assault, ang Nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan nalang.” Bulong ni Wong sa sarili niya. “Siya sige, Leo umuwi kana at maghanda kana bukas.” Sabi ni Wong. “Sige po maraming salamat po master, paalam” paalam ni Leo. Nagtungo si Wong sa laboratory ni Z. “Z, alam mo ba ang tungkol sa paligsahan na sasalihan ni Leo.” Sabi ni Wong. “Oo kuya, ako ang magiging hurado at tagapagbantay ng paligsahan.” Sabi ni Z. “Hindi mo naman ito nasabi sa akin. Naituro ko na kay Leo ang Dragon Assault.” Sabi ni Wong. “Ha? Ibig sabihin ituturo mo narin sa kanya ang nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan?” sabi ni Z. “Mawalang galang na ho, sa pagkakaalam ko ang nagwawalang apoy na dragon ng kamatayan ay isang pinagbabawal na kapangyarihan.” Singit ni Monica. “Tama ka.” Sabi ni Wong. “At ito ay natutunan sa pagsasama ng puso, elemento ng apoy at paghihiganti.” Dugtong ni Monica. “May pagkakamali ka Monica, marahil nga may bahid ng kasamaan ang kapangyarihang iyon. Pero, may tiwala ako kay Leo.” Sabi ni Wong. “Sige aalis na ako.” Paalam niya at umalis na. Sa kaharian ni Demoniko. Aalis ako bukas, may pagmamasdan lang ako.” Sabi ni Demoniko. “Ano iyon panginoon?” tanong ni Ilipia. “Wag mo ng alamin.”sabi ni Demoniko. Kinaumagahan, araw ng paligsahan. Napakaingay ng paligid. “Leo, magiingat ka” sabi ni Yuna. “Opo inay!” paalam ni Leo at umalis na. “Sana hindi manggulo ang mga aso ni Demoniko.” Sabi ni Yuna. Nagkita-kita ang lima sa skwelahan, at limang kupunan lamang ang nakarehistro ibig sabihin labing-limang studyante iyon. Kung sino man ang manalo sa paligsahan ang siyang ilalaban sa ibang skwelahan sa ibang angkan. Lumipas ang isang oras at oras na ng paligsahan. Unang naglaban ang grupo nila Leo at ang grupo nila Mizuki. Lima laban sa lima ang patakaran. Si Leo ang unang sasabak laban kay Mizuki. “Ikaw na naman Mizuki.” Sabi ni Leo. “Ngayon ako na ang mananalo bubwit” asar ni Mizuki. Nang may napansin si Leo sa bandang kanan niya, isang lalaking may hiwa sa kanang mata. “Iyon ang lalaking nakita namin sa perya” sabi ni Leo sa sarili. “Simulan na ang Labanan!”
Ipagpapatuloy..
Magsisimula na ang labanan ng grupo ni Leo at ni Mizuki! Sino ba talaga ang lalaking may hiwa sa kanang mata. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
01:45]
blogger
Chapter X – Ang Paghahanda!Kinaumagahan. “Inay, pasok na po ako.” Sabi ni Leo. “Sige anak mag ingat ka.” Sabi ni Yuna. Umalis na si Leo sa bahay. Pero parang may gumugulo sa isipan ng kanyang nanay. “Sana hindi siya matunton ni Demoniko.” Sabi ni Yuna sa sarili niya. Sakto naman habang papunta si Leo sa skwelahan ay nakita niya sila Aqua at Drake. “Leo!” sigaw ni Aqua. “Aqua! Kamusta ka” bati ni Leo. Nawala na naman sa pagiisip si Leo ng Makita si Aqua. Bigla siyang binatukan ni Drake. “Aray!” inda ni Leo. “Bakit mo ginawa yun” dugtong nya. “Tulala ka na naman eh, tara pasok na nga” sabi ni Drake. “Hihi” tawa ni Aqua. Pumasok sila sa skwelahan ng maaga, tila sila palang ang tao sa skwelahan. Ng magkita na naman ang mga mata ni Leo at ni Mizuki. “Ano Mizuki, maghahanap ka na naman ng gulo” sabi ni Leo. “Leo ano kaba” bulong ni Aqua. Hindi ito pinansin ni Mizuki, nilayuan niya na lang si Leo. Mukang takot na siya sa sapak ni Leo. Pumasok na sila sa kainlang silid aralan, at animoy may pista sa gulo. “Ano meron?” bulong ni Drake kay Kyo. “Dumating daw yung pinakamagaling na martial artist, si Z bay un?” sabi ni Kyo. “Sino yun?” tanong ni Aqua. “Yun daw ang magiging hurado sa martial art contest.” Sabi ni Kyo. “Basta gusto ko yun makilala.” Sabi ni Leo. “Leo nga naman” ngiting sabi ni Aqua. Hindi lang alam ni Leo si Z ay kapatid ni Wong. Pinababa ang lahat ng studyante para malaman kung sino ang mga sasali sa paligsahan. Magiging isang grupo laban sa grupo ang palahok. Lima bawat silid aralan, at pagdating naman sa inter-school fight ay kung sinong grupo ang manalo sa bawat skwelahan ang siyang maglalaban laban. “Magandang uamga mga bata, ako si Z.” pakilala ni Z. Sinimulan ang pagkuha sa mga papel ng mga sasali. “Aqua,Drake,Aero,Kyo Sali tayo ako ang pinuno” sabi ni Leo. “Bakit ikaw? Tanong ni Aero. “Wala lang basta ako na” sabi ni Leo. Binigay na ni Leo ang kanilang papel. “Sana mga bata, ang kumpitisyong ito ay maging Masaya at kapana panabik.” Sabi ni Z. Lumipas ang isang oras pinauwi na ang mga bata. “Sige guys, mag ensayo na tayo! Magkita kita tayo sa bahay ni Master Wong mamayang alas kwatro ng hapon.” Sabi ni Leo. Umuwi si Leo para kumain. At pagpatak ng alas tres trenta ng hapon nagtungo na siya sa bahay ni Master Wong. “Master!” sigaw ni Leo habang naglalakad. “Oh Leo naparito ka” sabi ni Wong. “Gusto po sana namin na ensayuhin nyo po kami para sa paligsahan” sabi ni Leo. “Yun lang ba? E diba bukas na iyon?” tanong ni Wong. “Opo master!” galak na sabi ni Leo. At nagsirating na ang kanyang mga kasama. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Panginoon, pinatawag niyo daw ako.” Sabi ni Yana. “Oo, Yana. May eksaminasyon akong gagawin sayo. Ang magpapabago sa kapalaran mo at pagkatao mo.” Sabi ni Demoniko. “Ano ang gagawin niyo sakin panginoon?” sabi ni Yana. “Sa ngayon, hanapin mo ang bulaklak ng kalungkutan.” Utos ni Demoniko. “Masusunod.” Sabi ni Yana, na tila gulong gulo sa sinabi ni Demoniko. Umalis si Demoniko at nagtungo sa isang kweba. Mabalik tayo kila Leo. “Siya sige, simulan na natin ang ensayo.” Sabi ni Wong. “Unang pagsubok mga bata, pabilisan tumakbo at makarating sa puno ng mangga.” Dugtong niya. “Simulan niyo tumakbo sa hudyat ko” sabi ni Wong. “Okay!” sigaw ng mga bata. “Takbo!” hudyat ni Wong. At nagsimula na silang tumakbo patungo sa puno ng mangga. Napakabilis ni Aero tila parang isang hangin. Nahuhuli naman si Leo. Lumipas ang tatlong minuto, si Aero parin ang nangunguna at si Kyo na ang nahuhuli. Hanggang makarating sila sa puno ng mangga. “Anggg,, laaaayo pala nun!” hingal na sabi ng lahat. “Mahusay mga bata, nakikita niyo ba ang lawang iyon sa likod natin.” Sabi ni Wong. “Opo!” sabi ng lahat. “Huwag niyo pong sabihin master na, tatalon kami dyan.” Sabi ni Leo. “Hindi naman Leo, lalangoy lang mula dito sa itaas” sabi ni Wong. “Talon na!” hudyat ni Wong. Tila takot si Leo pero tinulak siya ni Wong. “Huwaa!” sigaw ni Leo. BUSSHHH! Parang nalulunod si Leo. “Leo kaya mo pa ba.” Sabi ni Wong. Biglang umahon si Leo, pagkatingin niya wala na ang iba niyang kasama na sa kabilang ibayo na. “Asan na sila?” tanong ni Leo. “Sumabay ka sa agos.” Sabi ni Wong. Lumangoy ng mabilis si Leo. Hanggang makarating sila sa pangpang. Huli na naman si Leo. “Ngayon huling pagsubok para sa araw na to.” Sabi ni Wong. “Ha?” pagtataka ng lahat. “Ito ay isang labanan, kayong apat ay maglalabanan maliban kay Aqua.” Sabi ni Wong. “HA?” sabi ni Drake. “Simulan niyo na. Labo labo ito” sabi ni Wong. Kabang kaba ang lahat dahil unang beses nilang gagawin ito, si Aero ang unang sumapak. Sinapak niya si Kyo. “Kyo!” sigaw ni Leo at bigla narin siya sinapak ni Drake. “Hetong sayo!” sigaw ni Kyo. Lumipas ang limang minuto. “Tama na.” sabi ni Wong. “Sakit mo pala sumuntok Drake.” Sabi ni Leo. “Magaling mga bata, tandaan niyo lamang na ang inyong kalaban ay ang musika at kayo ang mananayaw.” Sabi ni Wong. “Matuto kayong magbasa ng galaw ng kalaban tulad ng ganito. Halika Leo” sabi ni Wong. “Suntukin moko ng tatlong beses at sipain moko ng dalawang beses” dugtong niya. “Okay master.” Sabi ni Leo. HIYA! Uma-atras lang si Wong para ilagan ang mga atake ni Leo. “Ganun lang.” sabi ni Wong. Sige ipagpatuloy nalang natin ang ensayo bukas. “Ngunit master, bukas na ang labanan namin.” Sabi ni Aero. “Magtiwala kayo sa akin. Leo maiwan ka.” Sabi ni Wong. “Sige po paalam na!” sabi ng iba. Umalis na ang iba maliban kay Leo. “Leo, eensayuhin kita. Dahil ikaw ang mahina sa lahat.” Sabi ni Wong. “Ituturo ko sayo ang Dragon Assault” sabi ni Wong.
Ipagpapatuloy..
Iniensayo na ni Wong ang mga bata para sa paligsahan. Ano kaya ang Dragon Assault? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[
01:42]
Wednesday 2 September 2009blogger
Chapter IX – Sikreto ng Tungkod ni WongDemonyong Uwak!
“Sinasabi ko na, ikaw ang humawak sa kapangyarihan na yan. Pero mas matalino ako sayo” sabi ni Wong at biglang lumipad. Inikot ikot ni Wong ang tungkod niya. At nag labas ng isang papel tila may gagawing skill. “Kapangyarihan ng lupa mapasaakin ka. Pagsabog ng ugat ng Lupa! Baliktad na mundo!” biglang bumagsak pababa si Wong at tinusok ang tungkod niya sa lupa. BOOOM! “Hetong sayo” sigaw ni Tyrone. Nagsilabasan ang mga uwak na may kasamang marka ng demonyo. Kung sino man ang malagyan ng marka ng demonyo ay magkakaroon ng dugo ni Demoniko. “Ugat protektahan niyo kame!” utos ni Wong. Tinago sila sa ilalim ng lupa. Nagsilabasan naman ang mga matutulis na ugat mula sa ilalim ng lupa at pinagtutusok si Tyrone. “Uhh!” inda ni Tyrone, kaliwat kanan ang tumutusok sa kanya. Nang nawala na ang mga uwak lumabas na sila Wong. Tila may ginagawang skill si Tyrone sa pamamagitan ng kanyang mga kamay kahit ito ay hindi niya na maigalaw. “Huwag mong susubukang tawagin sila Demoniko.” Sabi ni Z. “Tapusin na natin to” sabi ni Wong. “Huling paghahatol ng Lupa at langit, Pagsabog ng Lupa!” sabi ni Wong. “Z, iteleport mo tayo sa laboratory pagsabog!” dugtong niya. “Mamamatay man ako, hindi niyo mapapatay si Demoniko” huling sabi ni Tyrone. Biglang pumutok na ang paligid, nagkaroon ng lindol. Nasira ang mga puno. “Teleport!” sabi ni Z. At sila ay naglaho at naiwan si Tyrone sa gitna ng pagsabog. Sa kaharian ni Demoniko. “Aray! Uhh!” sigaw ni Demoniko sa sakit. “Hindi maari, nasasaktan lang ang panginoon natin pag namatay ang isa sa atin.” Sabi ni Jyonu. “Si Tyrone!” sabi ni Xinz. “Huli na ang lahat, patay na siya. Wala na ang kanyang kapangyarihan.” Sabi ni Ilipia. “Hindi maari ito, paano napatay ni Wong si Tyrone, isa lang ang forbidden skill niya.” Sabi ni Demoniko. “Huh?” pagtataka ng lahat. Sa laboratoryo nila Z. “Kapatid, bakit mo ginamit ang skill na iyon” tanong ni Z. “Yun na lamang ang huling alas laban kay Tyrone, dahil kahit ang pinagsamang pwersa ng kapangyarihan mo ay hindi siya mapapatay. Noong huling digmaan ang ama ni Tyrone ang muntik na pumatay sakin.Uhh” sabi ni Wong ng biglang sumakit ang katawan niya. “Mawalang galang na, ang kapangyarihan ng huling paghahatol ng lupa at langit ay kung sino man ang gumamit nito ay maaring mamatay rin.” Sabi ni Monica. “Oo, tama ka. Pero ang kapatid ko lamang ang bihasa sa paggamit nito” sabi ni Z. “Hindi pa iyon ang lakas ng huling paghatol. Wala pa sa kalahati iyon.” Sabi ni Wong. “Kaya hindi ako namatay, ngunit nasaktan rin ako” sabi ni Wong. Ng di nila inaasahan dumating ang nanay ni Leo, si Yuna. “Yuna naparito ka?” sabi ni Wong. “Naramdan ko ang pwersa mo Wong” sabi ni Yuna. “Paano?” sabi ni Monica. “Si Yuna ay nagtataglay ng kapangyarihan ng diyosang mapagmahal. Kaya kahit kaninong pwersa kaya nya ito maramdaman.” Sabi ni Z. Ningitian ni Yuna si Monica. “Z, maaring tumabi ka muna. Papagalingin ko muna si Wong.” Sabi ni Yuna. Tumabi si Z, at tila nagulat si Monica sa nalaman niya. “Kapangyarihan ng Liwanag mapasa akin ka. Heal!”. Biglang gumaling si Wong. “Wala paring kupas ang lakas mo Yuna” kantsaw ni Wong. Nagtawanan ng lahat. “Z at Wong, siya ba ang babaeng humahawak sa kapangyarihan ng Kidlat?” tanong ni Yuna. “Oo.” Sabi ng dalawa. “Wong, ngayon dumating na ang kampon ni Demoniko. Ipatawag na natin ang apat na bata.” Sabi ni Z. “Alam natin kung sino sila, alam natin kung nasaan sila. Pero mabibigla sila. Pagkakaalam ko sasali sila sa martial art contest. Hintayin nalang natin ang pagkakataong iyon.” Sabi ni Wong.
“Siya sige, malalim na ang gabi magsi uwi na tayo” paalam ni Wong. At kanya kanyang lakad na sila pauwi.
May tinataglay palang forbidden skill si Wong at si Yuna ay may kapangyarihan rin. Abangan nalang natin ang susunod na mangyayari sa Destiny Death X.
[
08:29]