<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6621115091721012912\x26blogName\x3dTadhana\x27t+Kamatayan\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ddxstory.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_GB\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ddxstory.blogspot.com/\x26vt\x3d-7034186843995932076', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
Wednesday, 26 August 2009blogger

Chapter VIII – Delikado si Wong!

“May nakapasok panginoon!” sabi ni Xinz. “Patay na!” sabi ni Wong sa sarili niya. “Lahat ng gwardya, magsikalat kayo. Hanapin niyo ang kalaban” utos ni Jyonu. “Mga inutil, napakadali lang niyan” sabi ni Demoniko. Biglang gumamit si Demoniko ng kapangyarihan at sinabi. Kapangyarihan ng demonyo mapasaakin ka! Itim na lobo lumabas kayo! Biglang nagsilabasan ang isang batalyon na itim na lobo. At pinagsisira ang mga puno, at nakita ng isang lobo si Wong. “Rawr! Rawr!” sigaw ng lobo. “Kainis nakita ako” sabi ni Wong at patuloy parin siya lumalayo. “Si Wong Minishikage ang kalaban!” sabi ni Yana. “Yana ipakita mo sakin ang taglay mong lakas.” Sabi ni Demoniko. “Kapangyarihan ng itim na bulaklak, mapasaakin ka. Mga ugat ng kadiliman!” sigaw ni Yana. Biglang nahuli si Wong, kahit ito ay naka anyong lupa. Sandalian lang ay biglang nagpakita na si Wong, dahil sa lakas ng mga ugat ng kadiliman. “Uhh!” sigaw ni wong. Nagtawanan ang lahat. “Haha, Wong. Narito ka? Pakay mo sigurong pigilin ang seremonya, ngunit nahuli kana.” Sabi ni Demoniko. “Panginoon, sabihin mo lang at handa ko ng patayin yan” sabi ni Yana. “Manahimik ka, gusto kong makatikim ng dugo” sabi ni Ilipia. “Manahimik kayong dalawa! Mga lalake ba kayo o bading? Hindi ito oras ng pagtatalo” sabi ni Tyrone. “Tyrone, bahala kana diyan. At kayong apat sumunod kayo sakin” sabi ni Demoniko. Tila nasa panganib si Wong. Si Tyrone ay kilala sa pagiging bihasa sa paggamit ng dalawang espada. Pinaalis muna ni Tyrone ang mga alagad ni Demoniko, pinabalik niya ito sa kaharian ni Demoniko. “Bale ikaw si Wong. Ang mandirigma na lumaban sa aking panginoon. Ano ang laban ng lupa mo sa aking mga espada, o baka sa aking punyal lamang ikaw ay mamatay na” pagyayabang ni Tyrone. “Huwag mo akong laiitin, dahil hindi mo alam ang kakayanan ng tungkod kong ito.” Sabi ni Wong. “Tungkod? Laban sa espadang gawa sa bakal at marka ng demonyo? Nagpapatawa kaba?” sabi ni Tyrone. “Simulan mo na ang gusto mong gawin, huwag mo lang akong papaalisin sa mga ugat na ito at ako mismo ang magbabaon sayo sa lupa.” Sabi ni Wong. Parang iniikot ni Wong ang kanyang tungkod, parang may binabalak siya. “Hindi ko na papatagalin ang buhay mo.” Sabi ni Tyrone. Espada ng kamatayan! “uhhh!” inda ni Wong. “Yan lang ba ang kaya mo” dugtong niya. Lumipas ang limang minuto, tila babagsak na si wong pero hawak hawak niya parin ang tungkod niya. “Heto na ang tatapos sayo” sabi ni Tyrone. “Kapangyarihan ng kadiliman mapasakin ka. Huling Pagatake ng demonyo!”. “Heto na!” dugtong niya. Nang biglang… “uh!!” inda ni Tyrone. “Hindi mo mapapatay ang kapatid ko” sabi ni Z. Sakto ang dating ni Z para iligtas si Wong. Si Z ay ang kapatid ni Wong, hawak niya ang kapangyarihan ng pinagsamang hangin at Lupa. “Z, maari ko bang gamitin sa kumag na ito ang tinuro mo sa akin?” sabi ni Monica. Si Monica ay ang assistant ni Z sa mga Gawain at proyekto nya. “Asar, kaya ko kayong tatlo. Kapangyarihan ng Kadiliman mapasaakin ka! Clone Distribution!”. Biglang dumami si Tyrone, nasa mga bilang ng isang libo. “Kapatid ano ang nangyari sayo?” tanong ni Z. “Mahabang istorya Z, sino ang kasama mo?” tanong ni Wong. “Sa laboratory ko na sasabihin. Monica, simulan mo na, ako ang tatapos” sabi ni Z. “Psycho Beam!”. Nasalag ito ni Tyrone. “Binibini, hindi ako pumapatol sa babae, dahil ang mga babae sa kama ko pinapatulan.” Sabi ni Tyrone. “Bastos!” sabi ni Monica. “Hetong sayo! Kapangyarihan ng kidlat mapasa akin ka! Galit ng Kidlat!”. Biglang tinamaan ng mga kidlat si Tyrone, at nasunog ang kinatatayuan niya. “Ano to! Kidlat? Walang nasabi sakin ang panginoon ko tungkol sa kidlat! Huling pagatake ng demonyo!”. Ngunit, “Hanggang diyan ka nalng. Pagsabog ng hangin at apoy!”. “Uhhh!” inda ni Tyrone. “Hindi niyo ko mapapatay, hetong sayo… Kapangyarihan ng demonyo at uwak mapasaakin ka! Tikman niyo ang galit ng demonyong uwak!”

Ipagpapatuloy…

Nakilala na natin ang kapatid ni Wong, at ang bagong karakter sa ating storya si Monica. At ano ang skill na ginamit ni Tyrone? Subaybayan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[06:38]

Wednesday, 19 August 2009blogger

Chapter VII – Kabilugan ng Buwan Part II

Sa bundok ng Lentado. “Wahahahaha, Mitoshi. Sadyang matalino ka, kaya siguro umalis ka sa kampo nila Wong at Saisuki. Dahil alam mo na mas makapangyarihan ako. Wahahahaha, sige bibigay ko ang gusto mo. Mamayang kabilugan ng buwan, sa templo ng diyablo, doon tayo magkita” sabi ni Demoniko. Biglang nawala si Demoniko at ang mga demonyong mandirigma. Umalis narin si Mitoshi para ensayuhin ang kanyang mga studyante. Sa kabilang ibayo naman, si Wong ay hanggang ngayon ay gulong gulo. “Onting oras nalang, kabilugan na ng buwan. Saan kaya tinago ng kapatid ni Saisuki ang kwintas ng apoy.” Sabi ni Wong sa sarili niya. Nang biglang may mga maiingay na tunog sa paligid ng bahay ni Wong. “May kalaban” sabi dugtong niya. Lumabas agad ng bahay si Wong para tingnan kung ano ang mga umaaligid sa kanyang bahay. Nagulat si Wong sa nakita niya. “Mga kampon ni Demoniko, ngunit wala pang kabilugan ng buwan” sabi ni Wong.

Kapangyarihan ng lupa mapasakin ka! Earth Disguise!

Tila may prusisyon ang mga alipores ni Demoniko. “Saan kaya patungo ang mga dagang ito.” Sabi ni Wong sa sarili niya. Sinundan ni Wong ang mga mandirigma ni Demoniko. Habang lumalapit ang kabilugan ng buwan ay dumidilim ng dumidilim ang paligid tila wala nang araw na sisikat pa. Makalipas ang ilang minute, nakarating sa templo ng diyablo ang mga alipores ni Demoniko at si Wong. “Dumating na ang oras, dumating na ang pagahon natin sa ating mga libingan” sigaw ni Xinz. “Mabuhay ang mga Demonyo!” sigaw ni Jyonu, isa sa mga demonyong mandirigma at kapatid ni Xinz. “Manahimik kayong lahat, sisimulan na natin ang seremonya.” Sabi ni Demoniko. Dumating na ang oras, bumilog na ang buwan, napakadilim ng paligid. Nagsilabasan ang mga paniki at mga alagad ni Demoniko. “Oras na, panginoon ng mga demonyo, kapangyarihang walang hanggan. Naparito kami, para muling bumangon sa hukay at muling pumatay” sigaw ni Demoniko, at itnaas niya ang kanyang mga kamay. “Kapangyarihan ng kadiliman mapasamin ka!” sigaw ng magkapatid na demonyo. Nagilaw ang kamay ni Demoniko. ”Delikado ang lagay ko dito, maamoy ako ni Demoniko” sabi ni Wong. Biglang lumayo si Wong at nagpalabas ng mga taong lupa. Pinasugod ni Wong mga taong lupa sa mga alipores ni Demoniko para mapigil ang seremonya. Ngunit walang epekto, nagmasid na lamang si Wong. “Tatlo pang demonyong mandirigma, umahon na kayo. Heto na ang oras ng paghihimagsik” sigaw ni Demoniko. Biglang kumidlat sa lugar nila Demoniko, biglang tatlong demonyong mandirigma ang dumating. “Yana, Tyrone, at Ilipia. Umahon kayo, narito ang basbas ko.” Sabi ni Demoniko, at binasbasan niya na ang tatlong demonyong mandirigma. “Kabilugan ng buwan, ang lakas mo ay mapasakin!” biglang kumidlat at tinamaan si Demoniko. Nagulat ang lahat, pero nagibang anyo si Demoniko. “Wahaha, nagawa natin ng tama ang seremonya. Ngayon Mitoshi, tanggapin mo ang kapangyarihan ng marka ng demonyo.” Sabi ni Demoniko, at hinawakan nya ang dibdib ni Mitoshi, biglang lumabas ang mga marka ng Demonyo. “Uhhhhhhhhh” sigaw ni Mitoshi. Naisagawa ni Demoniko ang seremonya ng pagkabuhay ng mga demonyo, at nasalin na niya ang marka ng demonyo kay Mitoshi. Nasa panganib na ngayon si Leo at ang iba pa. “Hindi maari ito.” Sabi ni Wong, at bigla na siyang lumisan ngunit. Biglang napalingon si Xinz at sinabi, “May nakapasok na kalaban panginoon!”

Ipagpapatuloy…

Napakagulo na ng sitwasyon ng ating mga bida. Tila lumakas na ang kampon ni Demoniko. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[23:23]

Thursday, 13 August 2009blogger

Chapter VI – Kabilugan ng buwan

Pinauwi na ni Wong si Leo, para makapagpahinga. Kinaumagahan, nagtungo si Wong sa isang templo, ang templo ng elemento. Pagkarating ni Wong sa templo, tila ayaw niya pumasok, ano kaya ang meron sa templong ito. Pumasok si Wong ng may tapang at umakyat sa pinaka tuktok at pumasok sa isang kwarto. Tahimik ang kwarto at ang templo, animoy walang nakatira rito. “Panginoon.” Samo ni Wong. Biglang nagliwanag ang buong templo tila may mahika ang salita ni Wong. “Wong, naparito ka? May masama bang nangyari kay Leo?” isang boses ang narinig. “Panginoon ng elemento, ayos lang siya ngunit sasali siya sa isang martial arts comptetion. Hindi ko masukat kung kelan magigising ang dragon, pwede habang siya ay nakikipaglaban o natutulog.” Gulong gulong sabi ni Wong. “Wong…Wong… nakasulat sa propesiya, na ang dragon ay gigising sa tamang oras, pag dumating na ang kampon ni Demoniko, ngunit may masama akong pangitain tungkol sa labanan na sasalihan ni Leo. Yan na muna sa ngayon, babalik ako sa tamang oras. Ang oras na handa na ang bata, na lubanan ang kampon ni Demoniko at tanggap na niya na siya ang tagapagligtas at tagapagmana. Isa pa wong, ang kwintas ng apoy alam mo ba kung nasaan?” tanong ng Diyos ng elemento. Napatungo si wong, tila dinamdam ang sinabi ng diyos. “Hindi ko po alam, kung saan tinago ng kapatid ni Saisuki ang kwintas na ginawa niya, at bago mangyari ang huling gera panginoon, sinabi na ito ni Saisuki diba? Na dadating ang panahon na lalabas ang kapatid niya para ibigay ang kwintas. Napakagulo ng sitwasyon natin.” Sabi ni Wong. “Paalam na wong, tatagan mo ang sarili mo… oras na malaman na ni Leo ang katotohanan dalhin mo siya rito.” Sabi ng Diyos at bigla namatay ang ilaw sa templo. Umalis si Wong ng may problema, tila wala ng katapusan na problema sa buhay niya. Alas tres ng hapon sa bahay ni Wong ay dumating si Leo. “Master! Pumayag na po si inay, makakasali na po ako sa paligsahan.” Tuwang sabi ni Leo habang siya ay tumatalon. “Mabuti iho, simulan na natin ang ensayo” sabi ni Wong. Walang oras, Segundo o minutong sinayang si Wong para turuan si Leo. “Malalaman mo rin ang katotohanan..” bulong ni Wong. “Master? May sinasabi po ba kayo?” takang sabi ni Leo. “Wala sabi ko tuturo ko sayo ang isang teknik, Suntok ng dalawang beses sabay tumalon ka patalikod sabay isang sipa!”. Nagtuloy tuloy ang ensayo nila hanggang hating gabi, tila hindi magandang araw iyon kay Wong. Alasais ng gabi ng naghapunan na sila. Nang biglang may pumasok sa ulo ni Wong. “Iho, kelan ang paligsahan?” tanong ni Wong. “Sa makalawa na po.” Galak na sabi ni Leo. “Makalawa? Kabilugan ng buwan mamaya, tuwing pangalawang araw makalipas ang kabilugan ng buwan ay lumalabas ang kampon ni demoniko.” Gulat na sabi ni Wong sa sarili niya. Sa isang malayong lugar sa bundok ng lentado. “Malapit na… malapit na…. malapit na… ilang oras nalang… muling babalik ang lakas ko…. Bagong simula ito para sa ating lahat…” sabi ni Demoniko. “Panginoong demoniko, si Mitoshi ay narito” sabi ni Xinz. Si Xinz ay isa sa mga demonyong mandirigma ni Demoniko. Pinapasok si Mitoshi sa kwarto ni Demoniko. “Naparito ka mitoshi?” tanong ni Demoniko. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa demoniko, sumali ako sa kampon mo, ngunit wala parin ang hinihilin ko? Isa lang ang hiling ko ang itim na marka ng demonyo, sasali ang tatlo kong studyante sa isang paligsahan sila Ralph, Rinoa, at si Lei.” Tapang na sabi ni Mitoshi.

Ipagpapatuloy…

Tila gumugulo na ang buhay ng ating mga bida. Si wong napakarami ng problema, at ano ang kwintas ng apoy? Ano ang mga balak ng kampon ni Demoniko? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[00:42]

Wednesday, 12 August 2009blogger

Chapter V – Magkakaibigan kame! Part II

“Hawakan niyo likod ko!” sigaw ni Aero. Hindi sila nagdalawang isip na hawakan ang likod ni aero. “Ano gagawin mo?” tanong ni Kyo. “Leo sumampa ka sa likod ko, sabay tatalon ako tumalon ka sa likod ng leyon puputulin ko ang sanga para malaglag sa leyon! Kayo suportahan nyo likod ko.” Utos ni Aero. Yun na nga, sumampa si Leo agad agad sa likod ni Aero sabay tumalon silang dalawa, nakasabit sa sanga si Aero. “Leo kunin mo yung bato, ihagis mo sa leyon” sigaw ni Drake. Binato ng binato ni Leo ang leyon hanggang siya ay tiningnan ng masama ng leyon tila kakainin na niya si Leo. “Hetong sayo!” sigaw ni Aero. Nilaglag ni Aero ang sanga ngunit parang walang epekto ito. “Ano na gagawin natin?” kabang sabi ni Aqua. “Diyos ko tulungan nyo kame” bulong ni Leo sa sarili. Biglang lumundag ang leyon patungo kay Leo. “Hinde!!! LEOO!” sigaw ni Aqua. Biglang may lumabas na tubig galing sa itaas bumagsak sa leyon. “Hetong sayo!” sigaw ni Drake sabay sinuntok niya ang leyon, pagkasuntok niya sa leyon nasira ang lupa. “Kyo!” sigaw ni Leo. Biglang gumuho ang kinatatayuan nila Kyo, biglang tumalon si Aero ng mataas patungo kila Kyo tila may pakpak si Aero, nasalo niya sila Kyo at Aqua bago mahulog. Umalis ang leyon, at ligtas naman ang lahat. Tila manghang mangha at gulat na gulat silang lahat sa mga nangyari, tila nagkaroon sila ng kapangyarihan. “Pano natin nagawa yun?” tanong nila sa isat isa. Umuwi ang mga magkakaibigan ng may naglalaro sa kanilang isipan. “Ano ang mga nakita ko? Tubig galing sa ere? Nakalipad si aero? Nasira ni Drake ang Lupa? Bakit ako walang nangyari.” Tanong ni Leo sa sarili. Habang pauwi sa kanilang bahay si Leo, nakita niya si Master Wong tila nagsisibak ng mga kahoy panggatong. “Master wong, pwede po ba kayo makausap?” tanong ni Leo. “Sige iho, tara sa bahay ko doon tayo magusap” alok ni Wong. Pumasok sila Leo sa bahay. “Ano ba ang itatanong mo Leo?” galak na sabi ni Master Wong. “Kasi po, gusto ko po sumali sa martial arts competition sa skwelahan, maari po ba kayo maging aking guro?” hiyang sabi ni Leo. “Ah, yun lang ba iho? Haha, kahit anong oras tuturuan kita, eensayuhin kita.” May ngiting sabi ni Wong. Pero pagkasabi ni Wong kay Leo, ay tila may bumagabag sa kanyang isipan. “Isang labanan, isang kumpitisyon. Matagal narin ako hindi nakapag turo ng martial arts at ng wushu” bulong niya sa sarili.
Ipagpapatuloy….
Tama nga si Leo, walang imposible basta sama sama ang magkakaibigan nagtutulungan! Tila gusto talaga ni Leo manalo sa martial arts competition sa kanilang skwelahan. Ano kaya ang mga pangitaing nakita nila sa gubat? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[12:05]

blogger

Chapter IV – Magkakaibigan kame! Part I

Ala-syete ng gabi, tumambay si Leo sa ilalim ng puno ng mangga sa may bundok ng tabor. “Isang araw na naman ang matatapos, tila nilalampasan lang ako ng oras ah!” bulong ni Leo sa sarili niya. Nang biglang may sumigaw, “BULAGA!”. Nagulat si Leo, tila muntik na malaglag sa bundok napakapit tuloy siya sa damo, yun pala ay ang mga kaibigan niya. Sila Aqua,Aero,Drake, at Kyo. “Haha, ano ginagawa mo dito Leo?” tanong ni Aqua. Si Aqua ang tila muse ng kanilang barkada. “Ano paba, edi nagpapahangin nag iisip ng kung ano ano” sabi ni Aero, si Aero ay isang arogante, pero mabait na kaibigan. Biglang parang kinukumpas ni Aero ang mga kamay sa ere, para siyang nakakabuo ng mga hugis sa ere. “Wow?!? Paano mo ginawa yan Aero?” tanong ni Drake na nakamulat ang mata. Tila tulala silang lahat sa nakita. “Aba ewan ko” sabi ni Aero. Tila may misteryo sa hangin? O misteryo kay aero. Napagisipan nalang nila na magtungo nalang sa bayan kahit gabing gabi na, para magpalipas oras. Pagdating nila sa bayan, sakto naman na may palabas para sa mga bata. “Halina kayo, sa bahay ng itim!” sigaw ng isang payaso. Tila napaisip sila sa itsura ng payaso, ito ay may marka na guhit sa kanyang kanang mata. “Ano papasok ba tayo?” tanong ni Kyo sa iba. “Wag na, wala naman tayong pera eh.” Sabi ni Leo. Naglakad lakad ulit sila, habang nasa daan ay sila ay nagkwe-kwentuhan. “Leo leo, sasali kaba doon sa martial arts contest sa skwelahan natin?” tanong ni Drake. “Oo nga Leo, diba gusto mo yung mga ganung paligsahan?” dagdag ni Aqua. “A…e.. hindi ko alam e.” sagot niya ng biglang may isang tunog silang narinig. “Ano yon?” gulat na sabi ni Kyo. “Dito banda, kumakaluskos ang mga damo” sabi ni Leo. Pinuntahan nila ang damuhan ng biglang. “Rawrr!” Lahat sila ay nagulat sa nakita, isang leyon! Dali dalian sila nag si takbo papalayo ngunit hinahabol sila ng Leyon. “Leo ano gagawin natin?” kabang sabi ni Drake. “Sumunod kayo sakin!” utos ni Aero. Nagpatuloy ang habulan, hanggang makaabot sila sa dulo ng bundok, tila wala na silang mapupuntahan pang ibang lugar. “Naku! Dead end! Mamatay na ba tayo?” paluhang sabi ni Aqua. “Huwag kang magalala Aqua, sama sama tayo makakaligtas tayo alam ko!” magiting na sinabi ni Leo.
Ipagpapatuloy…
Nasa panganib ang ating mga bida! Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Sila ba ay magiging tsibog ng Leyon? O marahil sila ay makakaligtas. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[08:16]

Tuesday, 11 August 2009blogger

Chapter III - Ang Sikreto Part II

“Kasi Wong, natatakot ako na pag nalaman ni Leo ang katotohanan ng pagkatao niya, baka hindi na siya mamuhay ng normal, dahil alam mo na ang kapangyarihan ng apoy at ang seal ng dragon ng kapayapaan ay sadyang malakas at maraming nagnanais sa kapangyarihang ito, alam mo rin na si Leo ay parang si Saisuki, dahil sa seal na iyan namatay si Saisuki. Kaya hintayin nalang natin ang tamang panahon para sabihin kay Leo ang hiwaga ng kanyang pagkatao.” Madamdaming sinabi ni Yuna. Biglang tumahimik ang paligid,ng biglang nagsalita si Wong. “Yuna, naiintindihan kita bilang isang ina masakit nga iyon kung malaman ng anak mo ang katotohanan. Ngunit tandaan mo namatay ang ama ni Leo, hindi para sa buhay ni Leo kung hindi para sa ating lahat. Rerespetuhin ko nalang ang desisyon mo, pero kalian? Kalian natin sasabihin ang katotohanan sa bata?”. “Wong, pag sumigaw ang dragon, pag nabuhay ang seal….” Sabi ni Yuna. Biglang napaisip si Wong. “Ano Yuna? Nahihibang kana ba? Hindi maari iyon! Dapat bago pa mangyari ang pagkabuhay ng dragon, ay matanggap na niya na siya ang tagapagmana ng kapangyarihan ng apoy! Marahil hindi lang siya, ngunit ang tatlo pa, ang tubig, lupa, at hangin.” Sinabi ni wong ng may mataas na boses. Biglang napaluha si Yuna, tila dinamdam niya ang mga katagang sinabi ni Wong. “Yuna, pasensiya na…. nabigla ako” dahan dahang sinabi ni Wong. Hinawakan ni Yuna ang kamay ni Wong at sinabi. “Naiintindihan kita Wong, ngunit para sa ngayon, huwag mo muna sanang sabihin sa bata ang katotohanan, bigyan pa natin siya ng sapat na oras.” Napatungo si Wong, tila hindi alam ang sasabihin. “Yuna… patawarin moko, pero hindi ko mapapangako yan, sa ngayon, itago mo muna ang mga perlas na ito. Ang mga perlas na ito ay ginawa ng iyong asawa para makontrol ang lakas ng dragon. Paalam na.” sinabi ni wong sabay tumayo at nagpaalam. “Itatago ko ito wong…Paalam” sabi ni Yuna. Umalis na si Wong ng may mabigat na problema na dala, at si Yuna ay gulong gulo na. Tila isang musmos na bata si Leo, na walang kamuwang muwang sa nangyayari at kung ano ang katotohanan.
Ipagpapatuloy….
Tila madamdaming pangyayari ito, Ano kaya ang mga susunod na mangyayari sa buhay ng ating bida? Abangan nalang natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[03:53]

Monday, 10 August 2009blogger

Chapter II – Ang Sikreto

Dali-daliang nagtungo sila Kyo at Drake kay master wong, para mapagaling si Leo. “Master wong, Si Leo hinimatay na naman!” sigaw ng dalawa. “Ihiga niyo siya dito sa banig!” sagot ni M.Wong. Sinimulan agad ni Master wong ang papagaling kay Leo, hinawi nya ang kanyang mga kamay na parang may hugis na binubuo sa hangin. At biglang hinawakan ni master wong ang pusod ni Leo, at biglang umilaw ito! “Iho, Leo, gising na.” biglang namulat ang mga mata ni Leo. “Aaanong nangyari sakin?” tanong ni Leo ng may ngiti. “Wala leo, nahimatay kalang.” Sabi ng dalawang kabarkada niya. “Oh siya mga bata, magsi-uwi na kayo, alasingko na” sabi ni Master Wong. Nagpaalam na ang tatlo at nilisan na nila ang bahay ni Master Wong. “Alam na kaya ni Leo ang sikreto” bulong ni Master Wong sa kanyang sarili. Nagtungo si Master Wong sa bahay nila Leo.
Sa bahay nila Leo. Kumatok si Master wong na parang may iniisip, binuksan ni Leo ang pintuan. “Master wong! Pasok po kayo.” Bati ni Leo. “Salamat Leo, asan ang iyong ina?” tanong ni Master Wong. Saktong biglang dumating ang ina ni Leo. “Oh wong, naparito ka?” tanong ni Yuna. “Magandang gabi yuna, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, nais kitang makausap tungkol sa isang mahalagang bagay.” Sabi ni Wong. “Sige sige, Leo maari bang lumabas ka muna sa bahay, pumunta ka muna sa mga kaibigan mo, may paguusapan lang kame ni Wong.” May ngiting sabi ni Yuna sa kanyang anak. “Ok po inay, sige master wong maiwan ko na po muna kayo.” may tuwang sabi ni Leo. Daliang lumabas si Leo at nagtungo kila Aero, isa sa mga kaibigan nya at kaklase. “Wong, ano ba ang ating paguusapan?” tanong ni Yuna. “Yuna, alam mo ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Leo, pumasok lang sa isipan ko, bakit hindi mo ito sinasabi sa kanya? Dahil, halos tatlong beses sa isang linggo, pumupunta sakin ang anak mo para magpagaling, alam mo naman kung ano ang rason nito. Naawa lang ako sa bata, hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay niya.” Taimtim na sinabi ni Master Wong kay Yuna. “Kasi wong……..”
Ipagpapatuloy….
Ano kaya ang sikreto ng pagkatao ni Leo? Alamin natin sa susunod na kabanata ng Destiny Death X!
[08:20]

blogger

Chapter I – Si Leo!

“Inay! Papasok na po ako sa skwelahan, paalam na po!” paalam ni Leo kay Yuna. “Sige anak, magiingat ka!” sabi ng kanyang inay na si Yuna. Si Leo ay nagiisang anak ni Yuna Arigawa at ni Heneral Saisuki Subachi. Ang kanyang ina si Yuna Arigawa, ay nanggaling sa isang mabait na angkan ng mga Arigawa, sa bansa ng Lupaing Pinagkaitan, at si Saisuki ay isang tubong taga apoy.
Sa skwelahan. “Hoy Leo!” sigaw ng kanyang mga kabarkada, sina Kyo at Drake. “Oh bakit? Simula na ba ang klase?” tanong ni Leo. Sabay silang tatlong pumasok sa kanilang silid-aralan. Si Magkakabarkada silang tatlo, pawang may kanya kanya silang tinataglay na kakayahan. Si leo ay magaling sa mga pisikal na bagay, si Kyo ay magaling sa mga paggawa ng tula, parang ang kanyang buhay ay nakasaad na sa kanyang mga sinusulat at si Drake ay magaling sa siyensya at matematika. Tanyag si Leo sa kanilang skwelahan, dahil sa kanyang kabutihan sa kanyang mga kapwa mag-aaral. Biglang tumunog ang bell! “KRINGG! KRING!!” ibig sabihin ay oras na para kumain at magpahinga! Nang biglang! “Tulong! Huwag huwag! Tulong!” sigaw ng isang bata. “Leo, si John ginugulo na naman ata ng grupo nila Mizuki!” sigaw ni Drake. Dali-daliang bumaba patungo sa likod ng canteen sila Leo. “Hoy Mizuki! Wag mong anuhin ang bata! Kita mong wala nga siyang pera e!” sigaw ni Leo. “Ano naman pake mo? Ano gusto mo sapakan? Halika dito, tatlo kame tatlo rin kayo tara!” angas na alok ni Mizuki. Si Mizuki ang pinaka matanda sa lahat ng nasa skwelahan, ika nga nila-“repeater” siya! Tatlo silang magkakapatid, sina Mizuki, Ken at Zy. “Leo, wag mo na labanan, sumbong ko nalang sa principal, mapapahamak pa tayo dito e.” bulong ni Kyo kay Leo. Ngunit hindi ito pinansin ni Leo, at biglang sinapak ni Mizuki si Leo at nagsimula na ang sapakan. “Hetong sayo!” sigaw ni mizuki! “Hetong sayo!” sigaw ni Leo. Makalipas ang limang minuto, natapos ang sapakan nila. “Ano Mizuki, ilang beses na kitang sinabihan na huwag na huwag mong gagalawin ang mga bata sa skwelahan, kung hindi ako makakaharap mo!” sabi ni Leo. “Mizuki, maswerte kalang ngayon bubwit!” sabat ni Mizuki. Umalis na sila Leo para kumain. Biglang nanghina si Leo, na parang wala ng lakas, at biglaan siyang nahimatay. “Leo gising! Tara drake dalhin na natin kay master wong to!” sabi ni Kyo. Si Master wong, ay isang martial artist at manggagamot, siya lamang ang nakakapagaling kay leo pag ito ay may sugat, tila may kapangyarihan siya.

Tila palaban ang ating bida? Abangan natin ang iba pang susunod na kabanata sa Destiny Death X!
[06:30]





That Guy

EDIT MEE. ;]]

Wanted

you wishlist here :D

My Musixx.


Music Playlist
Music Playlist at MixPod.com



ChitChat


Links

Jem =]
Hanaperos
Mobius Games
Chayd's Entry for Mu Blog Making Contest
Add me in Facebook

Credits

Designer:pearlynloves
Background: Photobucket

Archives

By post:
Kabanata XXX - Ang Pagbabago - Unang Parte
Kabanata XXIX - Ang Katotohanan - Ika-apat na Parte
Kabanata XXVIII – Ang Katotohanan – Ikatlong Parte
Kabanata XXVIII –Ang Katotohanan – Ikalawang Parte
Kabanata XXVII – Ang Katotohanan – Unang Parte
Kabanata XXVI - Ang Simbolo - Part II
Kabanata XXV - Ang Dragon - Part I
Kabanata XXIV - Ang Pagtutuos - Ika-apat na Parte
Kabanata XXIII - Ang pagtutuos - Ikatlong Parte
Kabanata XXII - Ang Pagtutuos - Part II


By month:
August 2009
September 2009
October 2009
November 2009
January 2010
March 2010