Saturday, 20 March 2010blogger
Kabanata XXX – Pagbabago – Unang Parte“Panginoon paanong lalakas ang aming kapangyarihan sa pamamagitan n gaming mga sandata?” tanong ni Jyonu. “Makikita nyo.” Diretsong sabi ni Demoniko. Inilapag na nila ang kanilang mga sandata. At biglang tinakpan ni demoniko ang kanyang kaliwang mata’t pumikit. Nakaramdam sila ng kakaibang kapangyarihan sa paligid at ng tiningnan nila ang kanilang panginoon, nagliliyab ang sugat nito sa kanang mata. “Kapangyarihan ng Demonyong Nakatago sa aking katawan. Gumising ka’t bigyan lakas ang mga sandatang sa akin nakapaligid!” Bigla silang nakarinig ng sigaw ng isang demonyo at lahat ng kanilang sandata ay umangat sa himpapawid. “Ngayon din!” dugtong ni Demoniko. Nabalot ng itim na mahika ang mga sandata ng mga demonyong mandirigma. Lumipas ang ilang Segundo bumagsak ito muli sa lupa sa panibagong anyo. Ang latigo ni Ilipia ay lumiit ngunit amy ulo ng demonyo sa gitna; ang espada ni jyonu ay mas numipis at nagkaroon ng kamao ng demonyo; ang espada ni Xinz ay naging dalawa at nagkaroo ng pakpak ng demonyo; at ang bulaklak ni yana ay nagkaroon ng mas madaming tinik kaisa sa dati. “Ang huling digmaan ng elemento na tinutukoy ko, ay ang gulo sa gitna ng apat na elemento at ng kampon ni demoniko.” Sabi ni Wong. “Nasabi niyo na may kaugnayan si ama sa kahirapan nyo sa digmaang iyon.” Singit ni Leo. “Oo, dahil ang dragon ng panahon na iyon ay isang beses nalang maaring ipalabas. Ngunit si Demoniko sa di inaasahang pagkakataon ay binuhay ang demonyo sa kanyang pagkatao.”
Ipagpapatuloy..
Mas tumitindi ang kaganapan sa ating kwento. Abangan ang mga susunod na pangyayari sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[
00:39]
Friday, 15 January 2010blogger
Kabanata XXIX – Ang Katotohanan – Ika-apat na Parte
Nabalutan ng dilim ang kaharian ni Demoniko. “Panginoon, nasaan ang isang marka?” tanong ni Xinz. “Ang isang marka, ay ibinaon sa kaliwang mata ng aking kapatid.” Sagot ni Demoniko. “Kapatid? May kapatid kayo panginoon?” tanong ni Illipia. Biglang may pumasok sa isipan ni Xinz, ang pangyayaring nakita niya sa kwarto, na mistulang may kausap si Demoniko. “Makikilala niyo rin siya. Sa ngayon, nais kong malaman niyo. Nabuhay na ang dragon ng kapayapaan sa pagkatao ni Leo.” Balita ni Demoniko. “Panginoon, hindi maari iyon!” sigaw ni Jyonu. “Talang hindi, dahil ngayon bibigyan ko kayo ng mas malakas pang kapangyarihan sa pamamagitan ng inyong mga sandata. Ilapag niyo sa aking harapan ang inyong mga sandata. “Leo, kababata ko ang ama mo, si Heneral Saisuki Subachi. Isang magiting na mandirigma. Ipinasa sa kanyang ama, ang kapangyarihan ng dragon ng kapayapaan, sa pamamagitan ng pagkulong nito sa pagkatao ng ama mo. Dito nagsimula ang kaguluhan, sa kapangyarihan ng Dragon. Kasabay ng pagsalin, ay ang pagkabuhay ng kampon ni Demoniko. Sadyang malakas ang dragon ng kapayapaan, kahit sino ay kaya nitong patayin. Wala pang nakakadiskubre ng makakatalo dito. Ngunit natagpuan ng iyong ama, na may limitasyon ang pagpapalabas sa dragon. Limang beses lamang. At kung maipalabas mo ang dragon ng limang beses, mamamahinga ito ng limang taon. Na sadyang nagpahirap sa amin ng dumating ang panahon ng huling digmaan ng elemento.” Sabi ni Wong. “Huling digmaan?” pagtataka ni Leo.
Ipagpapatuloy…
Ano? Papalakasin ni Demoniko ang mga kapangyarihan ng kanyang kampon! Malapit na talagang malaman ng buo ni Leo ang tungkol sa kanyang pagkatao. Abangan nalang natin ang susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[
04:49]
blogger
Kabanata XXVIII – Ang Katotohanan – Ikatlong Parte“Narito tayong lahat sa kwarto ko. Ngayon malalaman niyo ang tunay kong pagkatao.” Sabi ni Demoniko. Lahat sila ay nagtaka at nagulat nang biglang umikot ang pader kung saan nakadikit ang upuan ni Demoniko. “Ano to panginoon!” sabi ni Xinz. “Maghintay ka. Kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng aking ama. Buksan mo at ipakita, ang nakatagong kapangyarihan sa templong ito!” At biglang nagdilim ang buong paligid, nakarinig sila ng mga kulog at kidlat. BOOOM! Tinamaan ng kidlat ang kwarto kung nasaan sila at biglang isang espada ang lumitaw. Espadang may demonyong muka sa hawakan at may mga nakamarka sa talim. “Isang espada!” sabi ni Illipia. “Oras na aking mga kampon.” Sabi ni Demoniko at hinawakan ang espada. Sa paghawak niya ng espada ng liyab ang kinanatayuan ni Demoniko. “Uhhhh!” “Panginoon!” sigaw ni Yana at biglang hinawi ang apoy. “Uhhh! Ang kamay ko.” Naging abo ang kamay ni Yana. BOOM! Nawala ang apoy na nakapaligid at nagulat sila sa kanilang nakita. Si Demoniko ay nagkapakpak ng demonyo, nagkasungay at hawak hawak ang espada. “Humayo kayong lahat.” Sabi ni Demoniko. “Hindi ikaw ang panginoon namin!” sigaw ni Xinz at sinapak si Demoniko. Pero bago pa tumama sa muka ni Demoniko ang suntok ay bigla siyang nag laho. “Gusto mo ng sample, na ako ang panginoon mo?” banta ni Demoniko. Pumikit at muling dumilat si Demoniko, at ang mga marka ng demonyo ay nakikita sa kanyang mga mata. Bigla niyang tiningnan ng masama si Xinz at bigla itong lumipad paitaas. “Bitawan mo ang kuya ko!” sigaw ni Jyonu. “Bitawan pala eh.” “Uhh” inda ni Xinz. “Ngayon naniniwala kana?” “Panginoon patawarin niyo ko” sabi ni Xinz. “Ngayon, makikita niyo kung sino talaga ako.” Itinusok ni Demoniko ang espada sa sahig. At biglang tinanggal ang maskara. Naaninag nila ang isang muka na may hiwa sa kanang mata. “Panginoon. Ano yang marka sa inyong mata?” pagtataka ni Yana. “Dito nagmumula ang kapangyarihan ko. Ito ay nasa aking mata, mula ng aking pagsilang. Dati ang ama ko ang may hawak nito, dalawang marka ito. Isa lang ang napunta sa akin.” Eksplika ni Demoniko. Nagulat ang lahat sa kanilang narinig at nasaksihan.
Ipagpapatuloy….
Hindi maari! Si Demoniko ang lalaking may hiwa sa kanang mata? Abangan nalang natin sa mga susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[
04:49]
Thursday, 7 January 2010blogger
Kabanata XXVIII –Ang Katotohanan – Ikalawang Parte
“Yuna, mas maganda kung papagalingin mo si Leo at marinig niya ang katotohanan sa kanyang pagkatao.” Sabi ni Wong. Tumungo si Yuna at biglang kinuha ang bulaklak niya. “Kapangyarihan ng Diyosang Mapagmahal mapasa-akin ka! Pagalingin ang aking anak.” Biglang lumutang ang katawan ni Leo at umilaw. “Leo!” sigaw ni Aqua. Biglang namulat ang mga tao ni Leo. “Nannasan ako?” “Leo anak!” sigaw ni Yuna at biglang niyakap si Leo habang lumuluha. “Inay.” Bulong ni Leo. Biglang niyakap rin ni Aqua si Leo. “Leo!” sigaw niya habang lumuluha. “Oh bakit Aqua?” Biglang sinampal ni Aqua si Leo. “Aray bakit mo ginawa iyon.” “Ahaha masakit ba Leo?” kantsaw ni Drake. “Eh kasi naman pinag-alala mo kami kanina!” sigaw ni Aqua. “Pinag-alala? Wala akong maalala kung ano mga nangyari kanina.” Sagot ni Leo. Tiningnan ni Yuna si Wong at sinabi. “Sige Wong, ipagtapat mo na sa lahat ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Leo.” “Pagkatao ko inay? Anong meron naguguluhan ako.” Banggit ni Leo. “Leo, oras na para malaman mo ang katotohanan sa iyong pagkatao. Sana matanggap mo ito.” Sabi ni Wong. “Na…naguguluhan ako, sabihin niyo na sa akin kung ano meron.” Sabi ni Leo at sinimulan ni Wong ang pagkukwento. “Sisimulan ko, ang pagkukwento mula sa buhay ng iyong ama.” Sabi ni Wong. Sa kaharian naman ni Demoniko. “Panginoon, nagbalik kayo.” Sabi ni Xinz. “Nasaan si Yana.” Sabi ni Demoniko. “Naroon kasama ang kapatid ko.” Sagot ni Xinz. “Si Illipia?” “Hindi pa bumabalik panginoon” Nang biglang dumating si Illipia na hinihingal at pagod. “Saan ka galing?” tanong ni Demoniko. “May pinuntahan lang panginoon.” Sagot niya at biglang hinawakan ni Demoniko ang ulo ni Illipia. Tila nababasa ni Demoniko ang nasa isipan ni Illipia. Pinuntahan mo si Yuna, at nakalaban mo ang isang lalaking nakaputi at nakita mo si Kamahas.” Sabi ni Demoniko. Namangha si Xinz. Bigla namang dumating sila Jyonu at Yana. “Heto na pala si Illipia eh.” Sabi ni Jyonu. “Ngayon Illipia mag-tatago kapa?” tanong ni Demoniko. “Patawarin niyo ko panginoon.” Sabi ni Illipia. “Lahat magtungo sa kwarto ko. May dapat kayong malaman ngayon din.” Utos ni Demoniko.
Ipagpapatuloy…
Ngayong gising na si Leo, masasabi na ni Wong ang lahat. Ano naman kaya ang ipagtatapat ni Demoniko? Abangan sa mga susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan!
[
07:10]
blogger
Kabanata XXVII – Ang Katotohanan – Unang Parte
“Oras na , dumating na ang oras..” sabi ni Wong. “Wong! Hindi pa tayo tapos.” Sigaw ni Mitoshi habang papalayo. “Master anong dumating na po ang oras?” tanong ni Kyo. Pinaliwanag ni Wong kung ano iyon habang sila ay pauwi sa bahay ni Leo. Bigla namang hinabol sila nila Z para sumabay sa paguwi. “Kuya, mas maganda kung ipaliwanag mo yan pag dating natin sa bahay nila Leo.” Sabi ni Z. “Tama ka nga kapatid ko.” Sabi ni Wong. Makalipas ang ilang minuto natunton nila ang Bahay nila Leo. Sinalubong sila ni Yuna. “Wong! Anong nangyari kay Leo.” Pagtataka ni Yuna. “Mahabang istorya Yuna.” Sabi ni Z. “Pumasok muna kayo sa loob” dugtong ni Yuna. “Leo, gising Leo.” Sabi ni Yuna habang tinatapik ang muka ni Leo. Naupo sila sa upuan at sinimulan ang diskusyon. “Ano ba ang nangyari Wong?” dugtong niya. Huminga ng malalim si Wong at sinimulan ang pagkwento. “Ganito kasi yun Yuna. Laban yun ni Leo, ang nakaharap namin ay ang grupo nila Mitoshi. Hindi namin akalain na ang kalaban ni Leo na si Ralph, ay nilagyan ni Mitoshi ng itim na marka ng Demonyo.Kaya naging mahirap kay Leo ang laban, sapagkat wala siyang kapangyarihan at hindi pa natin nasasabi ang totoo. Sa kalagitnaan ng laban, dehado si Leo. Muli kaming nagulat ng nakita namin ang alaga ni Mitoshi na gumamit ng pinagbabawal na kapangyarihan ang Lex Divi Ra.” Sabi ni Wong at siya’y napahinto. “Isang pinagbabawa na Kapangyarihan! Maaring ikamatay ng anak ko iyon.” Sigaw ni Yuna at biglang tumayo sa pagkakaupo. “Maghinay hinay ka Yuna.” Sabi ni Z. At itinuloy ni Wong ang pagkwento. “At sa pagkakataong ito nagulat kami, dahil nabuhay muli ang marka ng Dragon. Sa ikalawang pagkakataon naman pinagtangkaan ni Ralph na gumamit muli ng Lex Divi Ra, ngunit sa pagkakataong ito ay hinarap na siya ni Leo. Ngunit halos kalahati ng pagkatao ni Leo ay nakain na ng Dragon, kaya hindi ko na napigil ang sarili ko ginawa ko na mismo ang hinabilin ng iyong asawa. Ang kontrolin ang Dragon sa una nitong pagsigaw.” Sabi ni Wong. At biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Yuna. “Wo…wong, oras na para sabihin ang katotohanan.” Sabi ni Yuna.
Ipagpapatuloy…
Sasabihin na kaya ni Wong ang katotohanan? Ano paba ang ibang rebelasyon na ating masasaksihan! Abangan sa susunod na Kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[
07:10]
Wednesday, 25 November 2009blogger
Kabanata XXVI – Ang Simbolo – Part II“Heto na ba ang bagong salin na dragon?” tanong ng lalaking may hiwa sa kanang mata. Ano kaya ang kaugnayan ng lalaking may hiwa sa kanang mata kay Leo? “LEOOO!” sigaw ni Z. “Kuya!” dugtong niya. “Leoo!” alala ni Aqua. “Hetong sayo!!!” sigaw ni Leo. Bago pa magkadikit ang kamao ng dalawang bata ay. “Sen Pat Su! Binaliktad na Seal ng Dragon” “Ano!” sigaw ni Mitoshi. “Bumaba ka dyan Leo!” sigaw ni Wong at hinugot ang tungkod sa pagkakabaon at umilaw ito. Napatingin si Leo kay Wong at biglang bumagsak kaya ang suntok ni Ralph ay hindi tumama. “Paano!” pagtataka ng lahat. “Wala ng saysay ang panonood dito.” Sabi ng Lalaking may hiwa sa kanang mata at umalis. “Paano nya nagawa yun Z!” gulat na sabi ni Monica. “Sa unang pagsibol ng Dragon, kayang kontrolin ni Kuya ang Dragon. Sapagkat bago mamatay ang ama ni Leo ay may isang mahikang nilagay sa tungkod ni Kuya na makakakontrol sa unang pagsigaw ng Dragon.” Eksplika ni Z. “Ang nanalo sa laban ay… tabla!” Nagulat ang lahat sa resulta ng laban. Si Leo naman ay parang isang bumagsak na bulalakaw sa arena at walang malay walang saplot sa itaas. Agad agad pinuntahan ni Wong para siya ay buhatin kasama ang iba pa niyang kaibigan. “Kainis! Isa kang malaking BOBO RALPH!” sigaw ni Mitoshi. Si Ralph naman ay walang malay at halos lamunin ng itim na marka ng Demonyo. “Leo! Leo!” paiyak na sabi ni Aqua. “Master, ano nangyari kay Leo! Bakit ganoon ang nangyari?” tanong ni Drake. “Oras na, Dumating na ang oras…” sabi ni Wong
Ipagapapatuloy
Napigilan ang pagwawala ng Dragon.. at ano kaya ang sinasabi ni Wong? Abangan sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[
05:32]
Thursday, 19 November 2009blogger
Kabanata XXV – Ang Dragon – Part I“Hindi LEOOOOOOO!” Sigaw ng lahat. Biglang sinalakay ng Dragon ng kamatayan si Leo. “UUUUUUH!!!” matinding inda niya. Nagulat ang lahat, malalaking pagsabog ang nakita, nabalot ng malaking usok ang arena. “Hindi Leo!” sigaw ni Wong. “Tapos na ang laban. Panalo kame!” sigaw ni Mitoshi. “Hindi pa tapos ang laban Mitoshi!” sigaw ni Z. “Isa!” “Paano mo nasabi Z? Eh ni hindi na makita kulay ng manok ng kuya mo eh!” sigaw ni Mitoshi. “Makikita mo.” Sabat ni Wong. “Dalawa!” At biglang naglaho ang makapal na usok at lahat ay nagulat sa nakita nila. “LEO!” sigaw ni Aqua. Buhay si Leo! Naka luhod siya at ang kanyang mga kamao ay nakabaon sa lupa, at wala na ang kanyang damit pang itaas ngunit.. “Ang marka!” sigaw ni Wong. “Imposible!” sigaw ni Mitoshi. “Nagpakita na ang marka ng Dragon ng Kapayapaan.” Sigaw ni Z. “Nabuhay na siya.” Bulong ni Wong. “Ano iyon master?” tanong ni Kyo. “Ano na master Mitoshi?” sabi ni Ralph. “Hintayin mo ang hudyat ko.” Sabi ni Mitoshi. Itim na marka na hugis ulo ng Dragon ang nasa dibdib ni Leo, at nagsimulang magliyab ang kanyang katawan. Habang nasa alupahap si Ralph ay biglang nagsalita si Leo. “Oras na… Ako naman..” animoy hindi si Leo ang nagsalita dahil napakalaki ng boses. Tumayo si Leo at biglang nagbabago ang kanyang anyo, onti onting nagkakaliskis ang kanyang kalahating katawan, nagiba ang kanyang mga paa animoy paa ng dragon, humaba ang mga kuko at lumabas ang maliit na pakpak sa likod. “Kuya! Ang dragon!” sigaw ni Z. “Ralph sugurin mo na! Isa pang Lex Divi Ra ngunit isanib mo sa kamao mo!” utos ni Mitoshi. Isang bolang apoy ang pumalibot sa kamao ni Leo wari’y gagawin na niya ang kanyang pagatake! “Aatake na si Leo kuya!” sigaw ni Z. “Ihanda mo ang espada mo Z.” sigaw ni Wong at itinusok ang tungkod sa lupa. Naglabas ng kapirasong papel at animoy may gagawing kapangyarihan. Tuluyan ng nagliyab si Leo! “Ako naman ang tatapos!!” sigaw ni Leo at lumipad paitaas. “Lex Divi Ra!” sigaw ni Ralph at sinalubong si Leo. Animoy dalawang bulalakaw ang mag sasalpukan!
Ipagpapatuloy…
Lumabas na ang marka ng Dragon at kinain ang kalahating pagkatao ni Leo. Ano kaya ang mangyayari? Sino ang matatalo? Abangan sa susunod na kabanata ng Tadhana’t Kamatayan.
[
08:56]